Chapter 9 ~ Birthday (part 2)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Haley's POV
"Happy Birthday."
"I love you My Kenzie"
Minulat ko ang aking mata na narinig ang mga katagang yan. I love you My Kenzie?. Sino naman ang magsasabi sa akin niyan? Inilibot ko ang aking mata at tumambad sa akin ang isang puting paligid? Asaan ako? Anong nangyari? Ang alam ko lang ay tatawid dapat ako para puntahan si Kayleigh. Sa hindi ko inaasahan bigla na lamang nagsiunahan ang aking mga luha pababa sa aking pisngi. Hindi ko alam ang nangyayari, bakit nangyari 'to sa akin? Naramdaman ko na lang na hawak pala ni mama ang kamay ko at naghihintay siya sa akin na gumising. Ginalaw ko ang kanang kamay ko para hawakan si mama.
"Haley? HALEY! gising ka na. Teka tatawag lang ako ng doctor"
Nagmamadaling umalis si mama sa upuan para tumawag ng doctor. Ginalaw ko ng kaunti ang ulo ko para tignan kung sino ang na sa kwarto ko? Nasa higaan pala si papa natutulog. Alam ko na galing siya sa trabaho kasi kitang kita ko pa lang sa mukha niya na pagod na pagod siya. Pero bigla na lamang siyang nagising at nakita niya ako na nakatingin sa kanya at lumapit siya sa akin para kamustahin ang nararamdaman ko.
"Haley an-anak, okay ka na ba? Anong masakit sa'yo? Teka tatawag lang ako ng doctor."
Natatawa kong pinigilan si papa. Parehas na parehas sila ni mama ng sinabi. Bakit ganon nakaramdam ako ng pagkaulila sa kanila? Parang namiss ko sila ng napakatagal. Ilang araw na ba ako dito sa ospital?
"Haley naman, ayaw mo bang tumawag ako ng doctor? Mamaya may nangyayari na pala jan sa iyo. Sige na pupun-"
" Papa naman, pinuntahan na ni mama yung doctor. Alam kong paparating na sila. Dito ka na lang papa wag mo ko'ng iwan. Namiss nga kita eh"
Sabi ko kay papa na nanlalambing. Asaan na ba si kambal? At wala siya dito? Bigla na lamang bumukas yung pintuan at pumasok si kuya.
"Kuya knight! Paaanong-paano?"
Lumapit sa akin si kuya Knight at pinupog ako ng halik sa mukha ko. Aba't hindi ko nga alam kung papaanong andidito si kuya. Nagkaayos na kaya sila ni papa?
"Haleyy! Tumawag sa akin si mama at sinasabing gising ka na daw. Pero asaan ba si mama? Speaking of."
"Doc! Ito na po gising na po yung anak ko. Okay lang ba siya doc? Ano doc? May nakita ka bang kakaiba sa anak? Ano yun doc? Sabihin mo para mapagamot na kaagad? Docc sumagot ka!." Sunod sunod na sinabi ni mama upang hindi makapagsalita yung doctor. Kaya naman pinutol siya ni kuya Knight.
"Mama naman pagsalitain mo muna kasi yung doctor. 'di mo pa naman kasi pinapasalita. Mama naman talaga oh."
Ngumiti lamang ang doctor sa amin at pinaliwanag niya sa amin ang lahat. Sabi pa nga niya ay himala daw na mabilis akong nakarecover dahil madami ang natamo kong sugat lalo na daw sa ulo ko. Sabi niya pa ay tatagal pa daw ako dito ng isa pang linggo para icheck kung ano ang magiging result ng ginawa nilang test sa akin kung maaari na ba akong lumabas. Magkatapos ng kanyang sinabi, niyaya niya sina mama at papa na magusap daw sila sa labas at ieexplain pa daw ang iba. Habang nasa labas sina mama at papa. Ito naman kami ni kuya at nagkwekwentuhan ng kung ano ano.

BINABASA MO ANG
Dream Traveler
FantasiSi Haley Mackenzie Rouge ay isang teenager na may malaking hinaharap na pagsubok sa buhay para matakasan niya ang reyalidad Paano niya malalampasan ito kung ang dami daming humahadlang sa kanya? Kanino ba siya kakapit sa mga pagkakataong nahihirapan...