Chapter 4 ~ Dream Traveler

36 10 0
                                    

Chapter 4 ~ New School

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Haley's POV 

ang ganda talaga dito, kung dito na lang kaya ako tumira.. ay mali, mali, kung dito na ako titira paano si mama, si kuya, si tatay, lalo na yung kambal ko ayaw ko naman sila iwan 'no. pero, lulubusin ko na tumira dito. tatlong taon lang naman yung hiniling ko eh

Tok* Tok* Tok*

"Haley! nandiyan ka ba kakain na tayo! tara na! lumabas kana diyan! sabay sabay tayo kakain ngayon!" sabi ni Ate Nez pati pala mga tao dito sabay sabay kakain. ang galing

"okay! alam kung alam niyo na 'to! diba!" sabi ni Ate Nez, ano yung alam na nila?

"Oo! Ate Nez!" sabay sabay nilang sabi, so, alam na nilang lahat ako na lang pala ang may hindi alam :(

"Okay, yung mga hindi pa nakakaalam eh, ang pagkain na to ay salo salo diba, ang salo salong ito ay once a week lang nating ginagawa para malaman natin kung maganda ba yung mga nangyayari sa  trabaho natin o di kaya kung tama nga ba yung ginagawa natin bilang isang Dream Traveler" ahh ganon pala yun ang galing ang babait naman ng tao dito

kasi kada table ay iba iba yung ginagawa tulad namin puro Dream Travelers lang tas yung ibang table iba naman yung work nila kunyare tungkol sa love, water, fire, earth at marami pang iba kaya maganda dito pero yung mga pinaguusapan namin ay hindi nila naririnig at hindi rin namin sila naririnig 

ang kaibahan lang namin eh kaya nilang lumabas dito sa mundong ito, kaya nilang makipag usap sa tao, nakikita sila ng tao, at hindi malilimutan ng tao na nakita nila ito, dahil kami sa panaginip lang nila kami nakikita at pwede rin na hindi na rin nila kami maalala dahil nga sa panaginip lang kami nageexist ang hirap naman pala ng ganito 

"so, kain na tayo ngayon!!!!" habang kumakain kami eh kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako dito kain lang ng kain. eh, sa hindi ko alam yung topic nila ng biglang.....

"Haley!! papasok ka na bukas at yung ibang Dream Travelers ay makakasama mo dahil nag aaral din sila dito at marami kang makakasama tulad ng nandiyan sa ibang table kaya pakasaya ka lang!" sabi naman ni Ate Erin siya kasi ang makakasabay ko bukas pumasok grade 11 na siya dito kaya marami na rin siyang alam. Paglabas kaya namin maaalala pa ba namin yung pinag-aralan namin dito?

tapos na ako kumain at naglakad na ako papunta sa kwarto ko para makapag pahinga, ang daming nangyari ngayon. saan kaya yung school? 'di bale na tanungin ko na lang si Ate Erin bukas

naglakad lakad muna ako dito sa kwarto ko napaka ganda talaga at napadpad ako sa family picture namin bigla na lang tumulo yung luha ko. namimiss kuna sila kahit unting araw pa lang na hindi ko sila nakakasama namimiss kuna sila gusto kuna silang mayakap, mahalikan sa pisnge at makipag bonding sa nila. Nay kung naririnig mo 'to miss kuna yung luto mo, Tay kung naririnig mo to miss kuna yung pagkanta natin, kuya kung naririnig mo to miss kuna yung pagsasayaw natin, lalo kana kambal miss nakita, lahat ng ginagawa natin miss kuna yung bonding natin lahat hayystt makatulog na nga Iloveyou guys

Dream TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon