Chapter 2

35 4 2
                                    

Natalie's POV

Pag pasok ko ng classroom syempre bungad sakin ang dalawa kong kaibigang nangungulit kung sino ang partner ko. "Sinetch na nga ang partner mo girl?" Tanong ni Jerica. "Si Mr. Mahangin." Sagot ko habang nag aayos ng gamit. "Omgggg, si fafa Luiz?" Kilig na kilig na sabi ni Aika. "Oo. Hay nako sabi ba naman niya sakin na baka daw mafall ako sa school project na to. As if naman." Iritang sabi ko sa dalawa. "Malay mo naman girl. Malay mo siya na si Mr. Right." Sabi ni Jerica sabay kiliti sa bewang ko. "Hindi ganun ang tipo ko. Sige na una nako umuwi biglang sumama pakiramdam ko eh." Pag dadahilan ko dahil alam kong di nila ko pipigilang dalawa.

Pag uwi ng bahay as usual si manang lang ang bumungad sakin, tinatanong kung ano daw gusto kong meryenda. "Pakidalhan na lang po ako ng cookies and juice sa kwarto. Thank you po." Sabay diretso sa taas. Ako at si manang lang sa bahay. family ko sa Canada na nakatira. Minsan umuuwi ako don pag vacation.

Pag pasok ko ng kwarto nagbihis ako saglit at nag advance reading kahit na isang linggong walang klase dahil sa University week. "Natalie, eto na meryenda mo. Kamusta school?" Tanong ni manang. "Okay lang po, wala naman pong masyadong ginawa dahil busy sa preparation for university week." Magsasalita pa sana si manang ng biglang nag ring phone ko. Unknown number. "Excuse lang po a, sagutin ko lang po ito." Lumabas na ng kwarto si manang at sinagot ko na ang tawag.

"Hello. Who's this?" Tanong ko. "Hi babe." Sagot ng kabilang linya. "Anong babe?! Kung mang tritrip ka lang wag ako." Sino ba naman kasi tong tumatawag sakin may nalalaman pang babe babe. "Chill ka lang. Ako to si Luiz. Kinuha ko number mo kanina nung binigay natin number kay Ms. Secretary. Haha." Panira talaga ng mood to. Pinatayan ko nga.

Maya maya nag riring nanaman ang phone ko. "Talaga bang di ka titigil ha?!" Biglang may sumagot na mahinhin na babae. "Hi Ms. Petsch, I'm Ms. Ramirez the Secretary of our college. Sorry to disturb you but I would like to inform you about the pageant. We will have a meeting tomorrow at 7am. Thank you and good day!" Hindi nako nakapag salita hanggang sa binaba niya na ang tawag. Shemz, secretary ng college sinigawan ko sa phone call. Kasalanan ni Luiz to eh. Bwisit.

Napuyat ako sa kakaisip ng kahihiyang ginawa ko at kung pano makakaganti kay Luiz. "Goodmorning iha, ang aga mo yata? Halika kumain kana." Pag aaya ni manang. "Goodmorning po. May meeting po kasi kami about sa pageant ng Mr. & Ms. University." Utal utal kong sagot dahil sa sobrang bangag ko. "Teka may sakit ka ba? Bakit ganyan ang mata mo? Napuyat ka ba kakaaral?" Tanong ni manang. "Parang ganun na nga po. Kakaaral kung pano paslangin ang mayabang na Luiz na yun". Bago umalis ng bahay inayos ko muna ang sarili ko pero kahit ilang patong pa ng foundation ang ilagay ko di talaga matakpan ang eye bags ko.

Binilisan ko na ang pag mamaneho dahil pasado alasyete na pala. Nasigawan ko na nga kagabi si Ms. Secretary late pa ko ngayon, hay nako Natalie. Dali dali nakong nag punta sa faculty at ako na lang pala ang inaantay nila para mag umpisa. "Goodmorning po, sorry I'm late." Sabi ko ng sobrang hiya. "It's okay Ms. Natalie, take your sit so we can start now." Shems, di galit si Ms. Secretary? "HAHAHA. Ano yang itsura mo natnat? Napuyat ka ba kakaisip sakin? Ganun ka na ba kaexcited makita ako?" Aba't talaga naman. May nalalaman pang natnat ang isang to. Inirapan ko na lang siya at di pinansin dahil baka this time magalit na sakin si Ms. Sec.

Inexplain ni Ms. Secretary tungkol sa gagawin namin ni Luiz and after class babalik kami dito para makilala ang mag tuturo samin para sa talent portion.. habang papuntang room nakasalubong ko si Daniel. "Hi Natalie. Balita ko kayo daw ni Luiz ang representative ng college natin." Sana kasi eto na lang ang nakapartner ko eh.

"Oo tama yang nasagap mong balita. Hehe." Sabay tuloy sa paglalakad. "Teka sandali.. alam ko makukuha mo ang korona. Bukod sa maganda ka, matalino at mabait kapa." Well totoo naman yun. Haha. "Salamat sige una nako, may klase pako." May klase??? Ano ba namang rason yun Natalie. Tumuloy na talaga ko papuntang room bago pa siya may masabi.

Buong araw nag chikahan lang kaming mag kakaibigan. Mas excited pa sakin si Aika at Jerica para sa pageant. Hanggang sa may asungot na dumating. "Hi natnat. Kelangan na nating bumalik ng faculty." Nakatingin lang samin mga kaklase ko dahil crush na crush nila si Luiz. "Natnat mo mukha mo. Kaya kong pumunta mag isa don, ba't ba nag punta ka pa rito?" Pinapaulanan nako ng masamang tingin ng mga kaibigan ko dahil sa pag susungit kay Luiz. Hay kung alam niyo lang. "Ano pang silbi ng pagiging escort ko kung di kita susunduin dito?" Sabay kindat niya at abot ng kamay sakin. Di ko siya pinansin, lumabas at dumiretso ako ng faculty.

"Good afternoon I'm Rachel and ako ang mag tuturo ng sasayawin niyo." Inexplain niya ang mga gagawin namin at kung ano ano pa tungkol sa practice. Interpretative dance ang gagawin namin na bet na bet naman ni Luiz. Ewan ko kung ung prapractisin ba namin ang bet niya o si Rachel. Di ko din naman siya masisisi dahil maganda at sexy si Rachel plus ang hot pa kung sumayaw.

Pag uwi ko ng bahay nakatanggap ako ng text mula kay Luiz "ingat ka. Mamahalin pa kita ;)" at sa isang unknown number "Hi Ms. Perfect" hindi ko na nireplayan si Luiz dahil maghapon naman na kaming magkasama at nayayamot nako sakanya, kaya yung unknown number na lang ang nireplayan ko. "Who's this?" Hindi na nag reply yung unknown number hanggang sa nakatulog nako.

---
How's the story going guys? 🙈

Si Natalie Petsch ang nasa cover guys. 😊

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon