Chapter 3

23 3 0
                                    

Daniel's POV

Hindi ko alam kung anong irereply kay Natalie kaya nag decide akong matulog na lang.

Na kay Natalie na ang lahat. Mayaman, maganda, mabait at matalino. Kaya unang pasok niya pa lang sa University ay nagustuhan ko na siya. Hindi kami mag kaklase pero lalo ko siyang nakilala nung naging magka-org kami. Ewan ko ba, di naman ako panget pero nahihiya akong pormahan siya, feeling ko kase mas bagay sila ni Luiz kaya nag paubaya na lang din ako for the pageant. Ako ang pinili ng faculty pero umatras ako..

Kinabukasan bago ako pumasok ay dumaan muna ko ng flower shop para kay Natalie. "Miss, how much for the bouquet of roses?" Tanong ko kay ate habang nag titingin tingin ng bulaklak. "550php sir."

"Okay. Pakibigyan ako nung pinakamaganda miss ha."

"Syempre naman po sir". Sana magustuhan ni Natalie to, hindi ko alam kung anong hilig niya kaya eto na lang muna ang ibibigay ko. "Here's your bouquet of roses sir. Goodluck po sa swerteng babae na pag bibigyan niyo". Kinuha ko na ang bouquet at nagbayad. "Thank you miss". Nag drive na ko papuntang school ng nakangiti, naeexcite ako sa magiging reaction ni Natalie pag natanggap niya ito.

Habang naglalakad papuntang building ng IHM bigla akong nahiyang ibigay kay Natalie ang mga bulaklak dahil natatakot ako na baka ireject niya lang kaya nag isip ako ng pwedeng gawin.

Sumilip ako sa room ng pinag prapraktisan nila Natalie at mukhang breaktime na nila, kasama niya ang mga kaibigan niyang kumakain at nagtatawanan sa loob ng room. Yung mga ngiti niyang ang ganda ganda. Hayy.

"Uy bro anong ginagawa mo diyan? Tinitignan mo si Aika no?" Biglang singit ni Kim. "Ha? Hindi no. Hinahanap ko kasi si Luiz."

"Si Luiz? Bakit para sakanya ba yang bouquet na hawak mo? Haha". Sabay turo niya sa bulaklak. "Ahh eto, oo. Pinabili niya kase sakin to". Pag mamaang maangan ko. "Asan ba siya?"

"Nasa canteen bro kasama mga kavarsity niya puntahan mo na lang".

"Sige bro. Salamat." Umalis nako don bago pa may ibang makakita sakin. Pumunta ako sa likod ng school kung saan wala masyadong tao at tinext si Troy para siya ang utusan.

San ka pre?

Di nag tagal ay nag reply din siya.

Dito sa library pre, bakit?

Puntahan mo naman ako dito sa likod ng school, emergency lang.

Wala pang limang minuto ay natatanaw ko na si Troy na tumatakbo palapit sakin. Si Troy ang pinaka kasundo ko sa room dahil pareho kami ng mga gusto.

"Pre bakit? Ano ba ang nangyari sayo?" Hingal na sabi ni Troy. "Walang nangyari sakin pre. Haha. Makikisuyo lang sana ko pero mag pahinga ka muna, hingal na hingal ka eh".

"Kung maka emergency ka naman kase! Ano ba ang ipasusuyo mo ha?

"Pwede bang ibigay mo to kay Natalie? Pero wag mo sanang sabihin na sakin galing." Sabay angat ng mga bulaklak. "Ha? Eh bakit naman?" Naguguluhang tanong ni Troy. "Basta. Sundin mo na lang ang utos ko, sagot ko meryenda natin mamaya". Hindi na siya nag tanong pa at kinuha ang mga bulaklak at umalis. Alam niya naman na siguro kung nasaan si Natalie. Pero paano kung tanungin ni Natalie kung saan galing? Alam kaya niya ang sasabihin niya? Alam niya naman siguro..

Tinext ko ulit si Troy na balitaan ako sa mang yayari at kung saan kami magkikita mamaya para sa meryenda. Nag palipas na lang ako ng oras sa pag lilibot sa school at panonood ng mga activities ng biglang lumapit si Aika.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon