Chapter 1

62 6 2
                                    

Busy ang buong klase para sa darating na foundation week ng University..

"Totoo ba? Ikaw ang pinili ng faculty para sa Mr & Ms University?" Nangungulit na tanong ni Aika. "Alam mo na ba kung sino ang kapartner mo?"

"Mamaya ko pa malalaman after ng klase natin. Gusto ko nga sana mag back out."

"Ano? Hindi pwede no! Pag ikaw ang lumaban sure pak na pak kuha mo ang korona." Sagot naman ni Jerica. "Tama ka dyan bakla. Si Jerica na ang bahala sa pag aayos mo at syempre ako na ang bahala sa moral support." Dugtong ni Aica. Magsasalita pa sana sila nang biglang pumasok si Ms. Anduque. "Ms. Natalie Petsch kelangan kana sa faculty."

"Ba't napaaga yata?" Tanong ko sa sarili ko. Dali dali kong iniwan mga kaibigan ko at sumunod kay Ms. Anduque. Habang nag lalakad papuntang faculty iniisip ko kung sino kaya ang ipapartner nila sa akin..

A. Luiz Mercado - Varsity student. Tall and Handsome. Handsama ng ugali, puro kayabangan alam sa buhay.
B. Kim Ho - Half Filipino half Korean. Gentlemen, friendly and Half man half woman din "daw".
Or..
C. Daniel Ramos - Simple pero gwapo, matalino na mabait pa...

"Ms. Petsch?" Tawag sakin ni Dean. Di ko napansin na nandto na pala ako sa faculty dahil sa kakaisip. Nakakahiya, lahat sila nakatingin tuloy sakin. Ilang beses na ba ko tinawag ni Dean at di ko narinig agad. "Uhm, sorry po Dean". Teka nabanggit na ba kung sino ang kapartner ko? Ganun na ba ko katagal mag isip? "Ms. Petsch eto si Mr. Mercado siya ang makakapartner mo sa darating na Mr. & Ms. University". Pag papaliwanag ni Dean. "Hello Ms. Petsch school project lang to ha wag kang mafafall" sabi ng mayabang na Luiz sabay kindat. Pwe. "You're not my type tho. Pwede ba wag kang masyadong mahangin, nagugulo yung ayos ng buhok ko eh." Sabay irap sakanya, hay nako kung pwede lang talaga umatras dito eh.

"Mukha namang kilala niyo na ang isa't isa, pakibigay na lang kay Ms. Secretary ang number niyong dalawa para sa updates, okay? You can go back to your classes. Thank you." Nag paalam narin kaming dalawa ng mayabang na to kay Dean at sinunod ang kanyang iniutos at tumakbo nako pabalik sa klase dahil baka may kayabangan pakong marinig sa kapartner ko.

---
Hi guys. It's my first time to write a story here. actually pinilit lang ako ng friend ko, hehe. So hope you like it! 😊 I'll do my best to make this story more interesting.

Special thanks to lynderellaaa for making the title cover. 😘😊

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon