Chapter 4

27 2 0
                                    

Natalie's POV

Hindi talaga ko titigilan ni Luiz sa pang tritrip niya. May nalalaman pa siyang pa rose kanina, kaya pala ang tagal bumalik ng room tas ngayon mag tetext pa gamit ibang number. Ano ba talaga gusto ng mokong na yun. Pinipikon talaga ko eh! Pero in fairness mabango at maganda yung mga rose. Pumitas ako ng isang petal at inipit sa favorite book ko and the rest pinaayos ko kay manang sa vase at nilagay ko sa study table.

Mamayang hapon pa ang practice namin ulit ni Luiz. Di pa sana ako magigising kung 'di dahil kay manang. "Iha, gising na. Andyan na sa baba yung mag aasikaso ng susuutin mo sa pageant niyo". Nag padala si mama ng sikat na mananahi. Malayo man si mama pero sinusuportahan niya ko sa mga kelangan ko lalo na sa mga ganitong bagay. "Manang pakihandaan po muna siya ng makakain, mag aayos po muna ko". Sabi ko ng nakapikit pa ang isang mata.

"Hello po tita Bamby" sabay beso ko kay tita. "Hello iha. Lalo kang gumaganda, bahagian mo naman ako". Kilala si tita Bamby sa mga style niyang ginagawa. "Ano ka ba tita di mo na kelangan sayo nga lang ako kumukuha ng ganda eh."

"Bolera kang bata ka. O siya dalian na natin kasi may isa pa kong appointment." Kinuha ni tita ang sukat ng aking katawan. Napag kasunduan namin na white chub gown ang susuutin ko para raw mas lalong umangat ang kulay ko. "O sige iha ipapadeliver ko na lang rito ang gown mo the day before your pageant. Goodluck!" Sabay beso niya sa akin. "Salamat po tita. Talagang nag mamadali po kayo ah."

"Oo iha, may isa pa kasi akong cliente kaya sige na."

"Ingat ka po tita!"

Nag handa nako para sa practice namin mamaya. Pagkain ng tanghalian ay dumiretso nako ng school para tumambay muna kasama si Aika at Jerica.

"Basta Gurl wag ka nang kumuha ng make up artist mo ha. Ako na ang bahala sa fezlak mo." Sabi ni Jerica habang hinahawak hawakan ang mukha ko. "Mukhang nag kakamabutihan na kayo ni Luiz Nathy ah?" Biglang sabi ni Aika. Tinignan ko lamang siya dahil wala namang nangyayaring ganun. "Balita ko pinadalhan ka daw niya ng roses kahapon?"

"Ay ang gandaaaa". Pag bibiro ni Jerica. "Dyan na nga kayong dalawa pupunta nako sa practice namin." Nag beso ako sakanilang dalawa at umalis na papuntang room. "Bye girl".

Pag pasok ko ng room ay si Rachel pa lang ang nasa room, wala pa si Luiz. Well, maaga pa naman. May inabot sakin si Rachel na box, full of chocolates. "Kanino po galing to?"

"Inabot lang sakin yan ng studyante sabi ibigay ko daw sayo. Di naman nag pakilala"

"Sige, salamat." Bagong pakulo nanaman ba ni Luiz to.

Speaking of Luiz andyan na siya. Sus, mukhang hinintay niya lang na maiabot sakin tong box na to eh.

"Ano nanaman bang pakana to?" Pakita ng box. "Pinagsasabi mo?" Binuksan ko yung box at nag smirk siya. "Kinilig ka naman? Ano nafafall ka na ba?" Hinampas ko nga yung tiyan kaso ang tigas. Hehe. May abs tih! "Okay guys let's start na" sabi ni Rachel.

Hanggang 8pm ang practice namin ngayon dahil hapon na nag start. Pag tapos na pag tapos ng practice ay umalis na agad si Luiz di man lang ako hinintay para sabayan palakad sa parking. Habang nag aayos ng gamit may pumasok ng room at nag abot ng foods with drinks sakin. "Uy teka. Kanino galing to?" Bastos, di man lang ako nilingon! "Mukhang napapadalas na yan Nathalie ah. Sige una nako. Ingat pauwi." Sabi ni Rachel. Binilisan ko na ng pag aayos ng gamit ko dahil mag isa na lang ako dito. Pag baba ko ng building ay nagulat ako ng makita si Luiz.

"Ba't tarantang taranta ka?"

"Pake mo?"

"Sungit mo, hinintay ka na nga" oh talaga, hinintay niya ko? May pinaplano lang siguro tong takutin ako kaso nag fail siya. "Sinabi ko bang antayin mo ko?!"

"Imbis na mag pasalamat ka na lang eh" sinadya niya sigurong iwan ako para ipaabot tong pagkain na to sabay tatakutin ako. Nag madali akong pumuntang parking para makauwi na. Ang kasoooo. Pumutok ang isang gulong ng sasakyan ko. "Hay nako naman." Wala pa man din akong extrang gulong.

"Anyare sayo?"

"Sakin wala. Sa sasakyan ko meron." Aha! Di niya planong takutin ako. Siya siguro may gawa neto at hinintay niya talaga ko para makita niya reaction ko. "Gusto mo sumabay kana lang sakin?" Tinignan ko lang siya ng masama. "Ano aarte ka pa? Bahala ka dyan" pumasok siya sa sasakyan niya ng di lang talaga ko pipilitin? Ang galing galing mo sa surprises pero bakit pag kasama kita ganyan ka Luiz Mercado!!! "Teka sandali!" Pukpok sa sasakyan niya at binuksan niya naman ang bintana. "Sasabay nako!" Wala nakong choice kundi sumakay, 8:30 na at wala nakong kasama dito.

"Kainin mo na muna yang pagkain na dala mo baka nagugutom kana. It's 9pm already" pagkain na dala ko? Kung maka arte kunwari di sakanya galing ganern. Gutom narin naman ako kaya kumain nako. "You want?" Pag aalok ko sakanya. "I'm fine" minsan lang ako mag alok tatanggihan mo pa ha. "Sige na, isubo mo na to. Naririnig ko na mga halimaw mong alaga na gutom na oh" nilapit ko sa bibig niya yung kutsara na may kanin at chicken. Nung ibubuka niya na yung bibig niya ay bigla kong nilayo yung kutsara at ako ang sumubo. "Hahaha! Gotchu!" Tawa ako ng tawa kase mukha siyang patay gutom at mukhang inis na inis na siya. Bleh, buti nga.

Pag tapos kong kumain ay inalok ko naman siyang uminom. Kawawa naman eh. Sakanya naman galing to. "Mukhang drain kana Luiz. Oh inom ka muna"

"Wag na. Baka kung ano pang gawin mo eh"

"So titiisin mo yang uhaw mo para sa pride mo?"

"Kaya ko sarili ko"

"Dali na oh." Ilalapit ko na yung inumin sa bibig niya ng bigla siyang prumeno kaya natapon sa damit niya ang inumin. "Oopss. It's not my fault." Ang sama nanaman ng tingin niya sakin. Hahahahha. Wala naman akong kasalanan eh, siya tong prumeno. Kumain na lang ako ng limang chewing gum at nanahimik hanggang sa makarating sa bahay. Bumaba siya ng sasakyan para pag buksan ako. Gentleman din naman pala. Kaya pag baba niya ay dinikit ko na yung chewing gum na nguya nguya ko sa likod ng manibela. Hahaha, bawing bawi nako.

"Bumaba kana" Aba ang sungit. "K. Paalam at salamat!" Papapasukin ko pa sana siya kaso iba na ang awra niya eh. "Ingat ka!!!" Pinaandar niya na ang sasakyan niya paalis. Hahaha, ang saya saya ko tonight. Bawing bawi na ako. Last practice na tomorrow dahil by friday pahinga then Saturday night pageant na.

---
Enjoy reading guys!

Don't forget to vote and leave a comment. 😊

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon