Chapter 5

8 2 0
                                    

Luiz POV

Umuwi akong badtrip na badtrip dahil sa babaeng yon. Tinakam na nga ko sa pagkain, binuhusan pako ng tubig sabay nag dikit ng chewing gum sa manibela ko. Di ko talaga mawari yon, pinag bibintangan pakong sakin galing yung mga natatanggap niya. Di naman ako corny para mag bigay ng ganun. Dahil trip ko siya sinasakyan ko mga pinag sasasabi niya. Pero kanino nga kaya galing yun? Seryoso kaya siya kay Natnat? Paano na lang ako kung magustuhan siya ni Natnat? Pogi at matcho lang ako pero di ako marunong manligaw. Hay.

Nagising ako ng nasa baba si tita Bamby dala ang suit na susuutin ko sa sabado. "Goodmorning Luiz. Eto sukatin mo na yang suit mo".

"Akala ko bukas pa dating nito tita?" Tanong ko habang ginagalaw yung damit.

"Madali lang naman gawin yung iyo kaya mas naunang matapos."

"Ah, okay. Sige sukatin ko na po". Sinukat ko na at hay, lalo akong gwumapo baka mahulog na ng tuluyan sakin si Natnat pag nakita niya kong suot to. "Lalo kang gwumapo iho"

"I know tita. Ako pa ba"

"Bagay kayo nung isa ko pang client. Siya yung unang pinuntahan ko nung nakaraan bago ako nag punta dito para sukatan ka"

"Who's that girl?"

"Si nat... Teka sagutin ko lang to" naputol pagsasalita ni tita dahil sa may tumawag sakanya. Sino kaya yung sinasabi ni tita? Madami naman siyang kilalang chix sa industry niya dahil halos lahat ng customer niya eh mga kilala. "I have to go iho. Kelangan ako sa office. Goodluck sayo."

"Okay tita. Take care!" Nag asikaso nako ng sarili para sa last practice namin ni Nathalie mamaya. Nag pahanda din ako kay manang ng pagkain para pagsaluhan namin ni Natnat sa break time.

Pagdating ng room syempre andun na si Rachel. "Wala pa si nathalie?"

"Wala pa. Ready ka na ba for the last practice?"

"Oo naman. Ako pa ba." Sabay kindat. "May pakindat kindat ka pa. Alam ko namang si nathalie ang gusto mo." Maganda si Rachel pero syempre mas maganda si nathalie lalo na pag naiinis. "Ha? Pano mo naman nasabi yan?"

"Halata ko kada nag prapractice kayo. Yung tingin at hawak mo sakanya iba, may something"

"Ano ka ba. Ginagalingan ko lang talaga masyado no" nagkukulitan kami ni Rachel ng biglang dumating si Nathalie at nakasimangot. "Panget kana nga may lakas loob ka pang sumimangot dyan?"

"Tigilan moko. Let's start na Rachel" naging madali lang ang buong practice dahil sa gamay nadin naman namin ni Nathalie. Pinag breaktime muna kami ni Rachel dahil may importante siyang kakausapin sa phone.

"Gusto mo?" Pag aalok ko kay Nathalie. "No thanks. Papunta na dito sila Aika at may dala silang pagkain" ilang saglit pa ay bumukas yung pinto at pumasok si Daniel at may inabot na pagkain kay Nathalie.

"Aika pala ah" pang aasar ko kay Nathalie pero di niya ko pinansin kaya kumain na lang ako mag isa.

"Iniutos ba to sayo nila Aika?" Rinig ko na tanong ni Nathalie kay Daniel. "Hindi. Niluto ko yan para sayo".

"Salamat kaso kasi papunta narin sila Aika dito may dalang pagkain" haha buti nga. Wag mo na kainin yan, mas masarap pa luto ni manang kesa dyan kay Daniel eh. "Gusto mo akin na lang yan Daniel?" Pag singit ko sa usapan nila habang may katext si Nathalie. "Hindi na raw makakadaan sila Aika dito, may awra daw kasi si Jerica kaya pagsaluhan na lang natin yang mga dala niyo." Buti na lang pala at dinahan dahan ko ang pagkain at may matitikman pa si Nathalie. Kitang kita namin ni Daniel kung gano kasarap si Nathalie sa mga kinakain niya. Sa sobrang sarap niya ay halos mabulunan na siya kaya inabutan ko agad siya ng tubig bago pa ko maunahan ni Daniel.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon