Chapter 7

15 0 0
                                    

Daniel's POV

"Hay, grabe naman ang pagkaclingy ni Luiz kay naty, hinatak na lang bigla" sabi ni Aika habang nakatingin kila Natalie at Luiz. Hindi man lang nag paalam si Natalie.

"Sige na guys, una nako. Enjoy kayo"

"Ingat ka Luiz. Thank you!" Sabay beso sakin ni Aika.

Gusto ko pa sanang makasama si Nathalie pero kelangan ko mapag handaan pag amin ko sakanya bukas, after ng pageant kaya nag paalam ako sakanila ng maaga upang magawa ang dapat gawin. Hindi ko alam kung tama ba na umamin nako sakanya bukas o wag muna o wag na lang. Baka mabigla siya at tanggihan ako. Kaso kung palalampasin ko ang pagkakataon na to baka sila ni Luiz ang magkatuluyan. Kakasimula pa lang mabuo ng pagkakaibigan namin pero wala naman sigurong masama kung susubukan. I'm willing to take a risk para sa babaeng pinakamamahal ko.

To: Troy

Pre okay na ba yung pinagagawa ko sayo?

From: Troy

Oo pre. Okay na lahat. Goodluck sayo!

To: Troy

Salamat! Tropa ka talaga.

Manalo o matalo si Natalie tuloy ang plano ko. Sana magustuhan niya at kung ano man ang kalalabasan handa ako tanggapin kung ano man yun.

Nathalie's POV

"Angat ang fez girl." Sabi ni Jerica. Inaayusan niya nako for the talent portion. "Ano ba yang fez mo girl? Mukha kang kabado na kabado. Is there something bothering you?" Tanong ni Jerica.

"Wala naman. Nervous lang, it's my first time, you know. By the way, where's Aika?" Pag cchange topic ko. Kinakabahan ako dahil sa bagay. Una wala pa si Luiz baka naman bigla akong iwan sa ere non. Pangalawa, wala pa si tita Bamby, ni text niya wala pa. Pangatlo may something akong nafefeel, hindi about sa pageant kundi sa ewan ko.

"Si Aika inaayos mga mag checheer sainyo ni Luiz. Haha. Asan na nga pala yun?" Speaking of Luiz natatanaw ko na siya with Rachel. Kaya naman pala, kasabay naman pala si Rachel. Teka sino yung isa nilang kasama? Si ti..

"Tita Bamby?"

"Wait. Magkakilala kayo tita?" Pag tatanong ni Luiz.

"Oo Luiz. Siya yung sinasabi ko sayo na kasabay mong tinahian ko ng susuutin"

"Wait.. what?!" Gulat na gulat na tanong ni Luiz. Wow, small world huh.

"What din?! Kayo ba ang partner?" Kahit si tita Bamby ay nagulat din. Haha. Nabawasan tuloy ang kaba ko.

"Yes po tita. Siya pala ang dahilan kung bakit nag mamadali kayo non" sabay irap kay Luiz.

"Sakto! Bagay na bagay kayong dalawa." Mas bagay po sila ni Rachel. For sure si Rachel ang nag ayos sakanya. Kaya pala may lakas ng loob mag palate dahil prepared na pala.

"Huy, ba't ang tahimik mo?" Tanong ni Luiz.

"Pake mo?"

"Kinakabahan ka ba? Huwag kang kabahan. Andito lang naman ako" sabay hawak niya sa kamay ko. Tinignan ko na lamang siya dahil wala ng oras para makipag talo sakanya dahil kami na ang susunod.

"Let's welcome Luiz Mercado and Nathalie Petsch!" Tinawag na ang pangalan namin ni Luiz ng MC. Lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Rachel dahil baka mamaya nag seselos na siya. Pero bakit ang nakikita ko sa mukha niya ay kilig at saya? Ganun din si Jerica at tita Bamby na sumesensyas pa ng 'goodluck'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon