Chapter 6

8 2 0
                                    

Nathalie's POV

"Iha, gising may bisita ka sa baba" gising ni manang. "Po?" Sabay tingin ko sa orasan. 8am pa lang. 10am ang usapan namin ah. "Sige po manang susunod na lang ako. Mag aasikaso lang po ako" wala naman silang message na ganito kaaga sila pupunta at di pa open mga store na pupuntahan namin ng ganito kaaga.

Dumiretso nako sa banyo para maligo bago bumaba para diretso alis na. Ang nakapag tataka lang eh, bakit nag aantay lang sila sa baba? Kadalasan sila na mismo ang gumigising sakin. 30mins ligo, 30 mins ayos sa sarili. So I decided to wear a white pants and black crop top today..

"Manang ang sarap niyo po sobra magluto, grabe." Rinig ko pababa, sabi ng isang lalake. Teka, hindi naman ganun boses ni Jerica ah. "Nako iho bolero ka ha. Gano na ba kayo katagal mag kaibigan ni Nathalie? Ngayon ka lang ata napunta dito sa bahay"

"Hindi ko kaibigan yan manang. Bakit ka ba andito?" Singit ko.

"Ayan nanaman siya manang oh. Nag susungit nanaman sakin." Sabi ni luiz with matching paawa face. "Halika na iha. Sabayan mo na tong kaibigan mo"

"Hindi ko nga po kaibigan yan. Ano bang kailangan mo?"

"Ikaw." Ang aga ng kacornyhan niya ha. Bigla siyang tumayo at dumiretso sa sala. Pag balik niya ay may bitbit na bulaklak at stuff toy na piggy na color pink. "For you" yan nanaman siya sa mga pakulo niyang bulaklak. May pastuff toy na siya ngayon. Haha.

"Para saan nanaman to?"

"Para sayo. Di pa ba obvious?"

"Eh kung sipain kita palabas ng bahay ko?"

"Peace offering ko yan sa nangyari kagabi. Tsaka gusto ko talaga sumama sainyo eh"

"Kulit mo din eh no. Wala ka bang kaibigan? As far as I know madaming tropa ang mga varsity. Ba't di mo sila ayain?"

"Busy sila sa training, ako rest day ko dahil laban na natin bukas at isa pa gusto kitang kasama." Gustong kasama o di lang kumpleto araw mo ng di ako maiinis.

"Rest day naman pala eh. Ba't di kana lang mag pahinga... Ng tuluyan?"

"Sus. Baka mamiss mo lang tong kagwapuhan ko!" Gwapong gwapo nanaman siya sarili niya oh.

"Hi manang!!!!" Rinig ko na sigaw ni Jerica galing sa pinto. Andyan na sila. Sakto 10am ah.

"Oh. Look who's here. Sakto pala eh. Nathalie, you know Daniel right? He's going with us. I have my date and you have your date" sabi ni Aika. Date? May di na ba ko nalalaman sa kaibigan ko. Ganun na ba ko katagal di napapasama sakanila?

"Excuse me? Hindi sasama si Luiz sa atin and I thought its girls hang out?"

"Isama mo na yang boylalu mo girl. Mukha din namang naputol ang date niyo dito." Sabi ni Jerica. I have no choice kundi isama ang kumag na to. Pumayag man ako o hindi dalawa sila Jerica, iisa lang ako. So wala akong kakampi.

"Okay fine. I have no choice. You won Luiz" sabay irap ko sakanya at siya naman parang bata na nag wagi sa lollipop.

Napagkasunduan namin na car ni Daniel ang gamitin dahil yun din naman ang gamit nila papunta sa bahay. Mag lulunch muna kami bago gawin ang mga girly things, ewan ko na lang sa dalawang lalake kung anong balak nila.

"Pag tapos natin kumain mag shoshopping kami. Anong plano niyong dalawa? Daniel and Luiz?" Tinignan ko sila pareho while waiting for their answers.

"Sasama sainyo." Sabi ni Daniel.

"Bro alam mo ba kung pano mag shopping ang mga babae? Iikutan nila lahat ng stalls, magsusukat ng napakarami at.." huminto siya sa pag sasalita dahil napansin niyang sobrang sama na ng tingin ko sakanya.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon