Pluma-1

198 5 0
                                    

"Okay class,get your books and turn to page three. But before we will formally start,let's have first a review about our national heroes. Can someone give me a particular person that made Filipino known and proud?"Anang Professor pagkatapos naming magpakilala isa-isa.

Kanya-kanya namang react ang mga kaklase ko,at isa na ako doon.

"ugh"

"ano ba yan"

"pweding next time"

"inaantok ako"

Like duh? seryoso ba siya? First day na first day of school klase agad-agad? Wow naman. Okay lang sana kung English 'to or Music eh,matatanggap ko pa. Diyos ko naman,History 'to.

Isa sa mga subject na pinakaayaw ko sa lahat is yong napakaboring na pagbabaliktanaw sa kasaysayan ng Pilipinas.

Hello? Ano namang ka-konek-konek nun sa Kurso ko na Designer na particularly into dress, di ba wala? Paulit-ulit nalang kasi itong itinuturo,like what the f! since elementary?

Move on Prof!Move on.

Komento ko sa aking isipan. Napataas naman ng bongga ang kilay ko ng magtaas ng kamay yong katabi ko. Pati mga kaklase namin ay napatingin din sa kanya.

Tsk,nerd.

Mukha siyang trying hard na Tandang Sorang hilaw sa itsura niyang balot na balot,with matching eyeglass pa, na halos sinakop na ang buong mukha niya sa kapal at laki.

Yung totoo,hindi ba siya naiinitan sa ayos niya,and to think na ang init init ngayon sa pinas,summer pa naman din. Di malayong magkaheat-stroke siya.

Jusmiyo!Nakabalabal pa. Kakaibang fashion na yan ate.

Napaingos na lang ako't binalewa siya.

Napatingin uli ako sa professor na ngayon ay pinapatayo na ang katabi ko.

"Yes Therresa?"Nakangiting saad ni Prof. Napataas uli yung kilay ko sa narinig na pangalang nung katabi ko. OhEmGee! Therresa talaga? Pangsinauna. Amazing!

"Jose Rizal po"

Goosebumps! Nanlaki yung mata ko sa boses niya na animoy galing sa hukay,buong buo na medyo cold. Feeling ko nagtaasan yung balahibo ko sa batok. Pagtingin ko naman sa mga kaklase ko,wala namang kakaiba sa kanila.

"Very good miss Therresa."

Puri ni prof dito.
Sus,kahit sino naman kilala siya eh.
"Yes,Jose Rizal was a very prominent scholar back then,that made him our national hero,specially in the field of literature. His masterpiece which content was pointing on spaniards mistreat to Filipino and towards the slavery of our ancestors. He contributed amazing literary works that was and is still preserve until now. We have the Noli Me Tangere and the El Filibusterismo. So,for this summer class, our topic will focus more on Jose Rizal's life and contributions." Mahabang salaysay ni prof.

Haaay, another boring summer for me. How sad. Dapat sana nagbabakasyon ako ngayon eh, nagbobora or di naman kaya nag-baBantayan Island,huhu.
Ang saklap men!

The discussion lasted for almost two freaking hour.
My God, mamamatay ako sa boredom nito mga bes!
Oh well,the good news is...maganda naman yung mga upuan,classic na modern,comportableng matulog,niyahaha.
I'm an example of a good student talaga.

Ang Pluma Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon