Pluma-2

84 4 0
                                    

' Mamá, tengo miedo ... mamá, ¿dónde estás?

Paulit-ulit na saad ng pitong taong gulang na bata na si Manuel. Hindi rin matigil ang pag-iyak nito dahil hindi nito mahanap ang nanay nito habang sila ay nanonood ng parada sa San Sebastian.Kanina pa siya paikot ikot sa gitna ng rumaragasang tao at minsay nga'y mumuntikan na siyang mahagip ng calesa't karwahe.Pinagtitinginan na rin ito ng mga tao,ang ilan ay naawa at ang ilan naman ay namamangha,may taglay kasi itong kakaibang kagwapohan, mamula-mula ang pisnge at halatang may dugong bughaw.Na lalo pang pinatingkad sa suot nitong kulay brown na ternong americana at kulay brown din na sombrerong paikot.

Hanggang sa may lumapit ditong isang ale,o mas tamang sabihin na isang dalagang nakasuot ng abuhing bestida na pinatungan ng balabal ng kulay asul.Inakay siya nito sa isang parke sa may hindi kalayuan sa mga nagpaparada.

Nag-aalinlangan pa ito noong una,at sinabing hindi siya basta basta sumasama sa taong hindi niya kilala.Ngunit matapos magpakilala ng dalaga at sinabing hindi ito masama ay sumama na rin ang bata.Naupo sila sa may upuan doon.

''Alam mo Manuel,pwede ba kitang tawaging Manuel?"
malumanay na sabi ng dalaga na ikinatangu ng huli. Napangite naman ang dalaga bago nagsalitang muli.

Ang Pluma Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon