..A love that last a thousand years,is a love that can never be..
A/n: Salamat sa pagbabasa! Mahal ko kayo.❤
***
Mama!
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. What the F is happening here? Bakit nasusunog yung pluma?
"Anong ginagawa mo dito? bawal dito ah.''
Napapitlag ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Napaharap ako dito bigla.
"P-po? K-kasi akala ko-..."Bakit nga ba ako nandito?
"Bawal dito miss, baba ka na." Sabi ni kuyang naka-uniporme ng white polo shirt and black maong pants. May nakasulat na staff sa kanyang badge.
Napatingin ulit ako doon sa plumang nasa sahig pero wala na ito doon. Nasaan na yon?
Inakay ako ni kuya staff palabas ng kwarto. Halos mabali yung leeg ko kakalingon baka sakaling nandun lang yung pluma. Imposible naman kasing mawala nalang yun diba?
Halos magpang-abot yung kilay ko kakaisip kung tunay ba yung nakita ko or guni-guni ko lang. Pero hindi eh, nakita talaga ng dalawang mata ko eh. May pluma doon.
Medyo malayo layo na yung nilalakaran ko ng mapalingon ako sa bahay-kubo.
"Oh my god!"
Sobrang lakas ng pagkakasigaw ko to the point na lumingon sa akin lahat ng tao sa paligid. Y-yung bahay kubo kasi nasusunog.
Ghad! My eyes widened and my mouth hang open. The Fudge!"Anong nangyari doon?"
"Ayos lang ba siya?"
"Nababaliw ba siya? 'bat biglang sumigaw?"
Napatingin ako sa buong paligid, Ghad! Hindi ba sila aware na may sunog na nangyayari? But I was shock when I saw their expression, tila hindi man lang sila natakot o nag-panic.
W-what?
Pagtingin ko uli sa bahay kubo, ay ganun nalamang ang aking pagkagulat ng hindi man lang ito nagbago, walang nasusunog. Wala.
Confirmed! Minumulto nga ako.
Dali-dali akong naglakad palayo sa lugar na yun. Ano bang nagyayari sa akin? Hindi ko na magawang tingnan ng maayos yung dinadaanan ko sa sobrang kaba, grabe. Dagdagan mo pa ng panginginig ng mga tuhod ko. Gosh! First time makakita ng pangitaing ganito. And now I know hindi pala siya ganun kadali. lord help me!
"Aray! dahan dahan naman."
"Sorry sorry. Pasensiya ka na...-"
Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin ng masilayan ko kong sino yung nakabangga ko. Napanganga na lamang ako.
"Sinagtala? What a coincedence! Nandito ka rin!" Masayang saad ni Theresa sabay yakap sa akin, close na pala kami? 'bat hindi man lang ako na-inform?
You heard it right, si Theresa nga, yung kaklase slash partner ko sa research paper in my history class. Yung may fashion sense na kakaiba, naalala niyo pa?
"W-what are you doing here?" Seryosong kong tanong. Maldita ba ang dating? sorry naman nuh, gulat kaya ako na nandito pala 'to. Luzon to Mindanao? ang layo kaya, sino ba namang mag-aakala.
BINABASA MO ANG
Ang Pluma
Narrativa StoricaKaya bang baguhin ng isang pluma ang isang mapait na nakaraan? "Hahanapin kita... Kahit anong mangyari, mahahanap ka ng aking puso." "Hihintayin kita... Sa panahong tayo ay pwede na." @elynmary2017