Nakatulog na ko ng hindi ko alam kung okay ba kami ni Author Y o hindi. Hindi ko na rin kasi siya nahintay nun.
Pag gising ko, ngcheck agad ako ng phone ko. Umaasang my message si author Y. Pero wala eh </3
Hindi ko nalang pinansin yung sakit na naramdaman ko. I just sent her a short message. Alam ko kasing asa work pa siya nun. Sabado nun at wala kong pasok so hihintayin ko nalang siya. 8:30 ng umaga ako nagising, 11am pa ang out niya. Ayun, habang naghihintay inaaliw ko muna sarili ko. Nood ng movie, facebook, instagram, bumaba, umakyat. Lahat na ginawa ko para lang hindi ako mainip.
Nagmessage naman si Author Y bandang 11:45 am. Sabi niya
"hahaha. No busy lang po. Di ako galit"
haaay! nakahinga ako ng maluwag. Akala ko galit pa rin siya.
Naghihintay pa rin ako hanggang sa hindi na siya busy at pwde ko na uli siya makausap. Pero alas tres n ng hapon wala pa rin siyang message o tawag man lang. 4:30 ng nagdecide akong umidlip muna. Baka kasi matagal pa siya matapos.
Pero nagising na ko't lahat lahat, nabuksan ko na rin yata lahat ng pwedeng buksan sa mga social networking site- wala pa rin </3
Hay Author Y. Kaya ko pa bang itago ang nararamdaman ko para sayo? Hanggang kelan? Naguguluhan ako, natatakot. Alam ko namang hindi ka pa handang magmahal uli. Sobra kang nasaktan. Pero sana maramdaman mong handa rin akong tulungan ka para mabuo mo uli ang sarili mo at makatayo kang muli sa kinaroroonan mo.
Bandang 6pm, ngsend ako ng voice message ky Author Y. Kaso disaster eh. Sa dulo ng message na yun, nasabi ko yung hindi dapat. I said,
"I LOVE YOU"
opo. Tama ang nabasa niyo. Kasalanan kasi to ng puso ko pati na rin ng bibig ko na hindi marunong magtago ng sikreto! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko kapag nagtanong siya about dun? Paano na ko? Alam na niya nararamdaman ko para sa kanya. Nabigla ko ba siya? Batman, tulungan mo naman ako ohh :( Ayokong mawala siya. Ayokong umiwas siya. Haaaay! I kept myself busy nalang para makalimutan ko kahit papano si author Y at yung nasabi ko sa kanya.
9:08pm na ng ngdecide ako mgmessage uli ky author Y
"Call nalang kung kelan ka free. Just wanna hear your voice again. Please author Y. please?"
then she replied at 9:10pm
"Will try po. I'm at work."
nakuuu! lagot na talagaa! Malay ko naman pong asa work pala siya. Yaiks! Ang akala ko kasi hnggang 11am lang siya </3 Lagot na talaga ko nito. Lakas loob akong nagreply,
"Aww sorry. i thought off ka na today. Sorry Author Y. Sorry"
another reply from Author Y,
"okay lang po."
Whew! kala ko magagalit na naman siya.
Nakatatlong missed call muna si Author Y sa akin bago siya nawala uli. Parang kabute lang baby Y? Haha! Di bale na, mahal naman kita! <3 :">
10:13 nung nakausap ko uli siya.
*tugs tugs tugs*
Ayaaan na! Parang nagpaparty na naman yung puso ko. Lakas makawasak ng dibdib yung heartbeat ko. Haaay Author Y. Nagayuma mo ba ko? haha! :))
14 minutes lang nagtagal ang paguusap namin. My gagawin kasi uli siya. </3 Well, kelngan maghintay. Kelangan ko intindihin na hindi sa akin umiikot ang mundo niya at lalong kelangan kong tandaan na wala akong karapatan sa kanya. Wala dahil walang kami.
Hindi ko na talaga alam gagawin ko para maramdaman lang ni Author Y na sincere ako. Na handa akong lagpasan ang ginawa ni MS para kanya. Handa akong mahalin siya ng buong buo. Handa akong maging proud girlfriend niya. Pero siya? HANDA BA SIYA?
HINDI PA. HINDI. HINDI KO ALAM.
hindi ko alam kung ano nararamdaman ni Author Y. Hindi ko alam ang mga tumatakbo sa isip niya. At lalong hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal ko sa kanya.
I left her a message before i go to bed.
"I'm really sorry Author Y. Sorry if nahulog ako sayo. Sorry. Promise pipigilan ko na po. I'd rather have you as a friend than to lose you forever. Sorry. Hindi ako aasa. PROMISE :) Wag kang mag-aalala. Haaay! Author Y, thank you for making my world really colorful, for 3 nights na :) Thank You. Alam ko hindi ka pa nakakapagmove on. Alam ko rin na nabibigla ka sa pangyayari. Hindi ko rin kasi maintindihan eh. From me being traumatized by bi's and les' to me being hooked by your charm and beautiful soul. Kung sana kinaya ko lang itago tong nararamdaman ko. Hindi ka pa sana naiilang sa akin. Sana nakakausap pa kita ngayon. I'm sorry author Y. Sorry kung minahal kita </3 . I'm really sorry author Y ko. I'm really sorry baby. i love you."
"Author Y, can I stay? Pwde ba dito lang ako sa tabi mo? Wag mo ko papaalisin please? :)"
After ko mai-send sa knya yan. Natulog na ko. Nakatulog ako ng siya at siya lang iniisip ko. Siya. si AUTHOR Y. Ang littleMISSsungit at littleMISSsunshine ng buhay ko :)
A/N
Nakausap pa kaya ni littleMISSbratty si Author Y?
Ano na ang mangyayari sa kanila ngayong alam na ni Author Y ang nararamdaman ni littleMISSbratty para sa kanya?
(Totoong mga PM's ko po yan ky Author Y. Pagpacensiyahan na po ang pagdadrama. Inlove eh :">)