Scorpions
Mark Villaroel
Vince Fox
Jake Osborn
Dave Jones
Joshua Linden
At the Multi-mediaIce's Pov
Nagpatuloy na ulit ang laban hanggang mga lion na lang ang natira. Iilan na lang din ang nakatayo sa mga kasama ko, halata naman sa mga mukha nila ang pagod sino ba namang hindi mapapagod kung hundreds na lobo at ahas na ang napapatumba nila.
Sina Kuya Zeke,Ate Zyrene,Skylar, Skyler,Troy,Jp,Shin,Shawn,Mark at Clauss na lang ang nakatayo yung iba nasa isang tabi at nagpapahinga na. 10 na lang sila pero marami pa silang kakalabanin at mga lion pa mas mahirap kalabanin ito kaysa sa nauna. Well 12 pala kami pa pala ni King.Nagsimula na nang sumugod sina Skyler at isa-isang pinugutan ang mga lion minsan naman hinahati nila sa dalawa. Tss. Kung sinasabi nyo na nakakadiri nagkakamali kayo dahil computer lang lahat ng mga hayop na ito kaya walang nalabas na dugo kada hinihiwa sila. Ang bad news dito pag kami ang nakagat masusugatan at mararamdaman namin ang sakit pero sabi ni lolo kanina kapag lumabas daw kami sa loob ng maze ay mawawala na ang mga sugat namin at yung ang good news. Pero muntik na kanina si Queenie dahil kung namatay sya sa loob ng maze kahit lumabas kami ng dito hindi na sya mabubuhay.Napapansin kong iba ang kilos nina ate at kuya kahit hindi ko sila nakasama alam ko kung gaano sila kalakas at dahil magkakapatid kami at nasa dugo na namin ang pagkagaling sa pakikipaglaban ay siguradong magtataka ka dahil halata sa mukha nila na nahihirapan sila. Alam kong hindi nila nilalabas ang tunay nilang lakas,bakit pa nila itatago kung pwede naman nilang ilabas dahil lahat naman ng nakapaligid sa kanila ay magaling sa pakikipaglaban. Pero alam ko rin naman ang dahilan nila kung bakit nila ayaw ilabas ang tunay nilang lakas. Ano? Well sa nakikita ko mukhang ayaw nilang pamunuan ang clan at iba pang mga organization mukhang gusto nilang pagtuunan ng pansin ang mga business at mga company. Kapag nilabas nila ang galing nila sa pakikipaglaban ay sila ang pipiliin nina lolo bilang susunod na mamumuno sa mga maiiwan nila.
Bata palang kami napag-usapan na namin nina Mom ang Dad na kaming quadruplets ang mamumuno sa mga clans at organizations na maiiwan nila w/s pa yan dahil marami talaga ito may mga agency rin kasi, then sina kuya at ate naman sa mga business. Kami naman nina King ay hindi na kailangan ng mga business/company dahil kay Zach naman iiwan ang Alcantara's Group of Company,para naman sakin meron na ko at napakarami na nito sariling sikap ko yun sariling pera rin ang pinuhunan ko. Sina Prince at Princess sa kanila iniwan yung ibang Company dahil hindi kakayanin nina kuya Zeke at ate Zyrene na patakbuhin lahat.Napansin kong naiba na yung subject ibabalik ko na ulit lumalayo na ang usapan natin.
Nagpatuloy lang ang laban lahat ng napapatay nila ay kusa na lang naglalaho sa tingin ko ay hindi na naman namin kailangang lumaban ni King dahil kakaunti na naman ng kakalabanin nila.
Kulang pa ang kaalaman nila sa pakikipaglaban kailangan pa nilang mag-ensayo para matalo nila ang mga kalaban. Mahina pa sila,kung lalabanan nila ang mga kalaban mukhang hindi sila magtatagal lalo na at hindi lang 1000 ang makakalaban nila kundi higit pa dito. Kulang din ang stamina nila baka hindi sila magtagal at maaaring ikamatay nila ito. Mukhang kailangan ko pa sila tulungang mag-ensayo marami pa silang dapat matutunan. Pero hindi pa ngayon matagal pa, sa ngayon sarili lang nila ang makakatulong sa kanila.
Matapos ang ilang sandali ay natapos na nila ang pakikipaglaban.
Naupo na lang sila sa isang tabi para magpahinga.
Troy's Pov
Natapos na. Natalo na naming lahat. Lahat kami ay may galos...... hindi pala may dalawang wala. Masasabi kong malaki ang naitulong ni Zach samin dahil kung hindi dahil sa kanya ay namatay na si Queenie kanina. Ang wala talagang naitulong dito ay ang babaeng yun. Tss.
"Pano to lahat tayo ay nagtulungan mali naman yatang may manalo pa sa atin"
"Sa tingin ko wag na nating kunin ang flag lumabas na lang tayo sa maze"
![](https://img.wattpad.com/cover/87299132-288-k819193.jpg)
BINABASA MO ANG
Mysterious ExtraOrdinary Girl
AcciónEmpress Queen Demonise Hell Yoon-Park A MYSTERIOUS Girl People knew her as MONISE YOON-SMITH, a WEAK and POOR Nerd But due to circumtances, she needs to change her name to ICE KIM She is someone who KNOWS EVERYTHING, even your single secrets She is...