May 17, 2011
Dear diary,
ilang taon na? hindi rin kita nagamit....halos 18 years? bago ako nag asawa.
Binasa ko pa yung lumang entries ko hihihihi....
hhaaaayyy "kaazar" pumunta ng Macau
si hubby -__-" papano na kami ng mga bata?
pano na kami nila "Ike,Dexter,cristina?"
Wish ko lang wag mambabae yun dun! (CrossFingers)
May 19,2011
Dear Diary,
so sorry, alam mo yan kung bakit..... nag check ako ng test papers ng mga estudyante
ko...at nag graded recitation kahapon, tinuruan pa si Ike...hhaaaayyy
si hubby? bakit kaya di niya pa ko tinatawagan?...tinatakot pa naman ako
ng anak ko "may babae na yun dun" Ahahaha..tinawa ko na lang yung
kutob ko.
May 20,2011
Dear Diary,
yan na naman ang kutob ko..halos kainin ako, vacant ngayon sa room namin 2:30pm
kaya ito nga-nga muna..later pa yung class ko, Nag surf nga pala ako sa FB kanina
nakita ko yung mga pics ni hobby..di ko nga lam kung matutuwa ako o malulungkot
kasi yung kumare ko yung nag-upload...kasamahan niya rin pala sa work.
May 23,1011
Dear Diary,
alam mo may Good vibes kanina..at may bad vibes,
dahil monday may flag ceremony o di ba kahit college ang school
dapat may ganyan daw....tape lang yung pinapatugtog para sumabay yung
students kaso iba ata yung nasalpak...let's get physical kasi yung tumugtog.
Madona lang? kaso yung bad vibes....di sumasagot sa call ko yung hubby ko
bakit kaya?
May 25,2011
Dear Diary,
Naiiyak na naman ako.... sorry kagabi, Hindi na ko nagsulat dito.
Ka-chat ko kagabi yung "BABAENG PINAGLIHI SA DAHON NG GABI! AT HIGAD!"
Chinat ko siya kasi hindi sumasagot si Hubby sa Calls ko, sa YM ko Invisible siya,
tapos sa FB wala rin,GRABE TALAGA YUNg babaeng yun.....sorry kung mababasa ka
diary, kasi talaga yung lalaking ABNORMAL na yun!! dun pa'ko pinagpalit sa babaeng
HITO!....Tama nga yung anak ko, nangaliwa na yung Lokong yun!
May 26,2011
Dear Diary,
Naisip ko lang? HALOS ISANG LINGGO PA LANG YUNG hayop na yun?!
tapos pinagpalit niya yun sa 18 years naming pagsasama?
HE SO GRRRRRRRRRRR... kahit na maulol na ko sa kaka inis
sa kanya! BULLSHIT siya! magsama sila! akjfghcnjdhaghgrgiihpwo
(WALA NA KONG MASULAT SA SOBRANG GIGIL)
May 27,2011
Dear Diary,
pawis na pawis ako.... hinihingal ako ng magising ako kanina
buti na lang ginsing ako ni Ike, halos patayin ako nung lalaking
walang mata duguan yung itsura niya, Nakadagan siya sakin!!
Pasalamat ako sa diyos nagising pa ko! Kanina ring tanghali halos hindi ako
makagalaw...alam mo yung feeling na gising ka na pero yung katawan mo
hindi na galaw? parang may nakadagan.....ayoko nang maulit yun,
siguro karama rin yun...natutulog kasi ako kanina sa faculty namin
kahit may klase ako tapos pinakopya ko lang sila Notes hihihihi....
May 28,2011
Dear Diary,
Di ko na kaya.... hinack ng mahiwaga kong anak yung account ng tatay niya
sa YM at dun...sumikip ang dibdib ko, tuwing nababasa ko yung mga messages
nila ng hayop niyang kabit! tulad ng "mahal kumain ka na?"
kaya naman pala BUSY SIYA!! akala ko ba? till death do us part?
kung naririnig lang sa diary TONG hagulgol ko, pano kaya babalik si Hubby sa'kin?