August 10,2011
Dear Diary,
Akala ko makakatakas ako sa kilabot buhat ng kahapon.
Nagising akong masakit ang buong katawan ko,
Nasusuka at nahihilo parang may dumagan sakin na hindi ko alam.
Ang sakit, hindi ako nakatayo ng maayos. Nag alala ang mga anak ko
pero sabi ko sakanila masakit lang talaga katawan ko.
Inintindi nila at umalis sila. Dito ba magsisimula ang takot ng lahat?
kasi kagabi yung mga tunog, salita at amoy na nararanasan ko dati
nakikita ko sa loob ng kwarto ni Lola. Naririnig ko siya kagabi pero di ko na lang pinansin.
August 11,2013
Dear Diary,
Nagising akong may mga pasa sa buong katawan.
Malalaki at ubeng ube.Natatakot na ko. May mas nakakatakot akong
nabalitaan kong namatay ang naka ni Hubby, hindi ko alam kung
mtutuwa ba ako o malulungkot? inisip ko na lang na napatunayan nilang
digital ang Karma.Ako takot ako doon, Sobrang takot.
Ayokong mas malala pa ang mangyari sakin.
August 12,2013
Dear Diary,
Busy man ako magtemple run natawa ako sa kwento ng anak ko.
Naririnig niya raw akong umuungol kagabi. Yung yung sabi ni Cristina.
Pero kaninang umaga nagising akong pawis na pawis, pero masarap ang
pakiramdam ko.Hindi katulad kahapon na mabigat na nga ang pakiramdam ko
Masakit pa ang buong katawan ko. Nasusuka pa ako, may mga kalmot din
ako sa likod at kamay. Hindi ko nga alam kung saan nang-galing?
Kaya ko ba ito? Karma rin ba to? pero bakit ako? wala akong ginagawa.
Wala akong kasalanan....
August 13,2012
Dear Diary,
Time Check, 3:15am nagising ako. Naalimpungatan? siguro sa lalaking
naka-upo sa gilid ko. Hindi na ko natatakot sakanya, siguro bantay ko siya.
Nakakatuwa kasi naka-upo lang siya nakatitig sa bintana, kahit na may kilabot
sa katawan ko at kaba na hindi k o dapat siya kausapin.
Komportable ako. Sobrang komportable ako