July 10,2011
Dear Diary,
Buong gabi akong umiyak para lang sa'kanya.
Nang maramdamn kong may kumakatok sa Pintuan ng kwarto namin,
Si Lola lang pala. "ramdam ko ang pighati mo" sabi sa'kin ni Lola.
"sayang ang mga luha mo anak, hindi mo ba ikasasama ang asawa mo?"
lagi saking sinasabi ni lola. Ewan ko ba sa'kanya siguro yung laro namin
nung bata. Naglalaro kami ng kasal-kasalan, pero kunwari lang yun.
Siguro tinototoo ni lola. Nakakatuwa dahil sa puntong ito Lola ko lang
Ang karamay ko, imbis na yung taong Pinangakuan akong kasama
sa hirap at Ginhawa.
July 22,2011
Dear Diary,
"ang asawa mo? hindi mo aasikasuhin?" yan ang sabi sa'kin ng lola,
"lola wala na po siya rito, umuwi po siya ng macau" todo explain pa ko sakanya
kaso feeling ko hindi niya ako magets. kasi pinagpipilitan niya laging
andyaan ang asawa ko, Kahit wala siya rito umoo na lang ako kay Lola.
Ang weird niya para siyang may sinasabi at kinakausap pero wala naman.
July 23,2011
Dear Diary,
Nababalot ng dilim ang kwarto ko simula ng pag gising ko.
Nanaginip akong lumulutang ako sa ere
Pero napunta ako sa maraming tao,
Mga kakilala ko mula sa lola ko, anak ko, kahit si Hubby at mga kaibigan ko.
Andoon rin, umiiyak sila sa kabaong ko.
Dumilat agad ako dala ng takot at kaba.
Ano ba ang pahiwatig ng panaginip na yun?