September 03,2011
Hindi ko na marinig ang mga anak ko, nagising ako kanina
sa loob ng isang kabaong? ngayon nasa isang kwarto ako
na ako na lang ang nakakarinig sa sarili ko. Wala na kong makita.
Salmat sa maliit na butas na ginawa ko habang tanging ilaw lang ng buwan
ang tumatama. Papudpod na rin tong eyeliner ng anak ko.
bago man ako kuhain ulit..
October 21,2011
Isusulat ko ito dahil sa aking pagiging desperada,
may maka pulot man salamat at ipahayag sa iba ang aking karanasan.
Ilang buwan na ko dito? salamat sa mga petsa na alam ko
pero baka sa susunod hindi ko na alam.
Ikakamatay ko na to? may mga lalaking gumagamit sakin...
Makakatakas pa ba ako dito? wala na to.
Nakatakbo ako.. nakatakas
nag susulat ako para may maka alam.
na ang lalaking itim...
ay ang asawa ko. Noon buong akala ko sa sinabi ni lola
na ipapakasal niya ko. Pinagbihis niya pa ko ng itim na belo
at preperado ang lahat. Bata pa ko noon..
ang akala ko sa lahat ng ginagawa nila ay laro lang
pero sa tingin ko. Totoo ang lahat
na pagsisihian ko sa bandang dulo
andito ako ngayon sa isangmalilim na lugar,
malapit ng mag umaga
at hindi ko na alam ang gagawin ko...