August 03,2011
Dear Diary,
Matagal ang biyahe papunta rito pero atleast masaya ako, kasama ko
ang lola ko at ang mga anak ko. Binibiro nga nila ako Kulang daw si hubby
baka namimiss ko. Ang sabi ko "hindi nuh" pero sa kalooblooban ko
Oo, namimiss ko siya. Ang huli kong balita sakanila ay umalis na sila
papuntang Macau and they are staying for good.
August 05,2011
Dear Diary,
Nakita ko si Lola kanina nangangalalkal ng gamit ko, yun pala gusto niya lang makita ang
Picture ni Hubby at nung bestfriend ko. "magiging masaya ka apo" may ngiti sa mga muka
Niya ng banggitin niya yun, nakakatakot man pero natutwa rin ako kasi atleast may karamay ako.
Kinuha niya rin yung sa Cellphone ko. Ang kulit nga sabi ko sakanya "ikaw po bahala lola"
Naiyak ako sa sinabi ni lola, pero ganun pala talaga pag mahal mo.
August 07,2011
Dear Diary,
Maganda sana ang araw ko dahil binalikan namin ni lola yung mga dati naming
gamit, yung belong itim na ginamit ko nung kunwaring kasal-kasalan ko
sa kung sino at yung mga bulaklak na ginamit namin buhay pa.
Ang nakaktuwa lang may picture rin ako yung panglumang picture.
Sabi ni lola katabi ko daw asawa ko pero wala naman akong katabi nun.
August 09,2011
Dear Diary,
Akala ko makakatakas ako sa kaba, kagabi habang natutulog ako
at katabi ko si ike, may lalaking papalapit samin wala ngang muka
kasi natatakpan ng itim. Itim na hindi mo alam kung saan ng galing
Nanginig ako sa takot at kaba, Akala ko kapag umalis ako sa manila matatakasan
namin ang pangyayaring ganito. Hindi pala, mas lala pa at mas masama
akong nabalitaan. May sakit daw ang kasama ng asawa ko ngayon.