July 03, 2011
Dear Diary,
Nakabalik na sila Ike at mga anak ko. Masaya na ulit ako, sa Tingin ko.
Tumawag pa sa'kin si Hubby. Nauutal ako, Hindi ko alam kung bakit.
Kahit siya yung may kasalanan. Hindi ko lang alam, nababaliw na ba ako?
Sinusubukan kong mabuhay ng masaya, Hindi na tulad ng dati na para
sa asawa ko. Kundi pati na sa mga anak ko. Kaya ko pa kaya?
sabi niya sa'kin, uuwi daw siya sa Pinas. I'm Not sure kung kasama niya si Jubet.
Kung kasama man niya yun, Paniguradong may WORLD WAR 3 . Kidding!
HAY! basta na! bahala na si God, alam ko namang may purpose ito.
July 05,2011
Dear Diary,
Time Check 3:00AM. Nagising ako na pawis na pawis, Dahil sa napanaginipan ko.
Yung feeling na nahulog ka? Kahit na tulog ka, BASTA! hirap i-explain!
Yun yung eksaktong naramdaman ko. Sa ngayon, yakap-yakap ko si Ike.
sa sobrang takot at kaba? at idagdag mo pa ang mga BISITA ko. Sino ba sila?
Mas lumala pa ngayon dahil iba't ibang imahe ng ANINO ang nakikita ko.
Sino ba sila? Hindi ko naman sila kilala?
July 07,2011
Dear Diary,
Busy kasi ako kahapon. Sobra mula sa mga anak ko, sa mga estudyante ko.
SA LAHAT. may good news ako, dumating si Lola ko kanina, akala ko nga si Hubby yung
kumakatok sa pintuan ni-ready ko pa naman yung asido. Sayang ang preparation.
Pero masaya ako kasi may kakampi na ko. Ang lola ko, di nga lang tulad ng dati na
Masigla at malakas siya, may tungkod na kasi siyang hawak ngayon bilang gabay
sa paglalakad niya. Natawa pa nga ako sa tanong niya sa'kin "yung asawa mo?"
sabi ko na lang "nasa langit po" tumawa kami ng sabay. Sobrang namiss ko
talaga ang lola ko.
July 08,2011
Dear Diary,
Dumating na sila, andito rin yung mga bata kanina. Kasama pa naman namin si Lola.
Pina-akyat ko muna sila para makapag usap-usap kami. Napatunayan ko kanina
na mabait talaga ako. Yung mga masasakit at banta ko na kapag nakita ko si Jubet?
Hindi ko nagawa, Naka tingin lang ako sakanilang dalawa. Hinahayaan kong
kainin sila ng sarili nilang konsensya. Nginitian ko sila, pero napapayuko sila
kapag tumititig sakin.Lumapit sa'kin si Hubby, nagulat ako
dahil bigla siyang lumuhod teary eyes pa siya.. nagsalita na ko bago pa man siya makapag salita
"ok lang alam kong natukso ka lang..pwede ka pa namang bumalik" yun
yung mga nasabi ko kanina pero mali ako, pahiya ako ng unti. Kasi ang sabi niya
sa'kin "iiwan ko ang mga anak ko sa'yo, magsasama na kami" yun ang gumuho ang
mundo ko pero naka tatagan ko pa ring ngumiti.
Hindi naman kasi porke;t naka ngiti ako eh natutuwa na kominsan ito lang ang madaling paraan para ipahayag ang mga salitang P*T*NG INA MO. sorru for the word.