xii,

129 5 0
                                    

August 15,2013

 Dear Diary,

Umuungol daw ako sabi ng anak ko na kung iisipin man daw parang pakikipagtalik?

Pero wala naman akong naramdaman kagabi?

Kaso ang laki ng mga eyebags ko, parang hindi siya eyebags parang eyes luggage.

Lutang na naman ako na para bang hindi ko nararamdaman ang sarili ko.

Kagabi Nagising na naman ako kaso dahil sa ingay na naririnig ko,

parang nag dadasal sila lola at ang mga kasamahan niya sa labas ng kwarto ko.

Ang iingay at hindi ko rin maiintindihan.

August 17,2013

Dear Diary,

Ilang araw na rin silang paulit-ulit na ginagawa yun.Gabi gabi halos hindi ako makatulog

Meron pa ngang nakita ako sumigaw ba naman "Oh regina!" regina?

Nag iba na ba ang name ko? Nakita ko si Ike umiiyak sa tabi. Tinuturo ang lola niya.

"monster!" sabi niya pero hindi pa rin tumitigil sila lola.

August 18,2013

Dear Diary,

"itigil mo na yan " sabi sakin ni Lola. Nakita niya kasi akong nagsusulat sa diary ko.

Para siyang galit na hindi ko maintidihan, May swing mood si Lola daig pa si Rhodora.

May sakit na kaming lahat ngayon. Si Dexter may lagnat pati na rin si Cristina at si Ike

Hindi niya tinitigilan si Lola na tawagin itong Monster. Ngayon nahuli ako ulit ni Lola

Na nagsusulat sa tala-arawan ko.Pinagbabawalan na niya ako, masungit at hindi mo

maintindihan ang muka ni Lola.

August 19,2013

Dear Diary,

Wala akong balita kina hubby at jubet niya, patakas lang tong sulat ko.

Nakalagay kasi ito sa altar ni Lola. Inabot ko lang, pasalamat at hindi siya nagising.

Masakit ang buong katawan ko pati na rin ang private part ko masakit.

Hindi ko alam kung bakit, nahihilo rin ako kanina. May mga kalmot at pasa

na ako sa iba'tibang parte ng katawan ko.Yung mga anak ko tulog at nilalagnat pa rin.

May isang albularyo ang gumagamot sakanila. Hindi ko alam pero feeling ko

nagdedeliryo na ang mga anak ko sa taas ng lagnat nila. Wala namang ospital dito

dahil liblib at kabundok-bundokan to malayo sa sibilisasyon.Papano na kami nito?

tala arawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon