Chapter 8

25 2 0
                                    

Gideon POV


Hinintay namin ang pagbukas ng pinto nang marinig namin ang bahagyang pag-click ng doorknob habang kami ay nag-uusap ni Torque. Animong hinihila ang aming mga kalamnan sa tagal nitong pagbukas. Pinagpapawisan ako sa hindi malamang dahilan kahit na nakasindi ang air conditioner sa silid. Pigil ang mga hininga naming pinagmasdan ang unti-unting pagbukas nito at iniluwal ang taong hindi namin kailanmang inaasahang bubuksan ang pinto ng Dark Room.

Nakasuot ito ng magarbong damit na kulay puti na hubog na hubog sa balingkinitan nitong katawan hanggang tuhod ang haba nito na pinaresan ng six inches pointed heels na kulay itim bilang mga sapin sa kanyang mga paa.

Kahit hindi mo ito tignan sa mukha ay mapapag-sino mo kaagad ito dahil sa presencyang dala nito. Siya lang naman ang babaeng walang bahid na takot na dumadaloy sa dugo nito sa tuwing kaharap kami. Ang nag-iisang babaeng kayang pumasok sa loob ng Dark room kahit walang access sa mga membro.

Ang babaeng kinakatakutan ng lahat at binansagang QUEEN OF ALL EVIL dahil siya ang BATAS. At ang batas ay mahirap kalabanin. Kung kami ang taga-gawa ng batas. Siya naman ang Batas. Walang pwedeng kumanti o humadlang sa Batas maliban sa may hawak nito.

"Surprise!" nakangiting bungad nito. Nagnining-ning ang mga nangungusap na mga mata nito. Napakaganda niya kahit saang anglo mo pa siya tignan. Hindi pa ako nakakakita ng ganito kagandang babae sa tanang ng buhay ko. Well except her! Ang babaeng gumugulo sa puso't isipan ko.

Matapos mailapag nito ang mga bitbit sa may lamesa ay umupo ito ng may angas ngunit mahinhin sa pang-isahang upuan. Wala kaming ibang ginawa ni Torque kundi ang tumunganga lang sa kanya at sundan ang mga kilos nito.

"Grabe naman kayo sa akin! Hinga naman dyan! Akala mo naman hinihigop ko na ang hangin kung makaasta kayo sa akin ah!" Kung alam niya lang kung gaano katindi ang epekto niya sa akin isama na din natin si Torque. "Did I really flabbergast you? Wow naman ang galing!" She giggles like a sweet child. Napakalalim din ng boses nito na parang binabaybay ka kapag narinig mo itong magsalita.

"Or did I scare you?" she laugh evilly. Nakakakilabut ang tawa nitong bumalot sa loob ng soundproof na silid ng mga Dark. Ngunit, kahit ang nakakatakot at nakakabinging pagtawa nito ay parang musika parin sa aking pandinig. Parang umaawit lang ito at napakasarap niyang pakinggan.

She snaps the two of us, me and torque, when we didn't make any movement. Her satisfaction of bringing us back didn't please her. Hindi pa siya nakontento sa ginawa niya at tumabi siya sa pagitan naming dalawa ni Torque at pinirit nito ang magkabila naming taenga.

Napasigaw naman kaming dalawa ni Torque dahil sa sakit ng pagkakapirit nito. Hindi nito binitawan ang mga taenga namin hanggat hindi niya nasisiguradong nakabalik na kami sa aming mga ulirat. Her look is very deceiving and hypnotizing. Kasalanan niya lang din naman kung bakit hindi niya kami makausap ng matino.

Nang makabawi kami sa kanyang presencya at naka adjust na sa pagyanig sa aming teritoryo ay kaagad siyang tinanong ni Torque, "What does the Queen of all evil doing in our territory?" mapaglarong tanong nito.

"Where is he?" tanong niya din sa amin instead of answering our question to her.

Nagkatinginan kami ni Torque at sabay kaming humarap sa kanya para lang erapan siya.

Heto na naman tayo!

Kahit kailan talaga ay wala kang makukuhang matinong sagot dito. What do you expect from Elaine Moore kundi ang hanapin ang bukangbibig lang nito walang iba kundi ang pinuno namin.

"Didn't Danill John inform you that he will be out of town for two days?" masungit na sabi ko sa kanya.

She rolled her eyes at me. "Tell me GD; are you a fool or a slow hard headed full grown boy?" Pinagdikit pa nito ang mga kilay, pinakunot ang noo at pinagkrus ang mga kamay nito sa dibdib. "Tatanungin ko ba siya sa inyo kung alam ko kung nasaan siya. Asan ang mga kukuti ninyo? Nawala na din ba gaya ng pagkawala ninyo ng dalawang linggo. I told you already that I hate excuses and I don't prioritize exception. Kahit kayo pa ay mga anak ng mga kilalang tao sa lugar natin. Kahit kayo pa ang binasagang the DARK na kinakatakutan ng mga gangsters at hindi gangsters." Sigaw niya sa amin. Nanunumbat dahil sa pag-absent namin sa klase niya ng halos dalawang linggo.

DARK TERRITORY: THE BATTLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon