Running away from pain is renewing your self. For some it is cowardliness but for me I never label it that way. It is building a new start to face greater suffering.
When it comes to my family I am sensitive. I always had the struggle to compose myself whenever I am hurt unintentionally.
After that incident, I am back with my usual self. I need to get away to revive the real me. I don't want to be lost for a long time.
"Sab, how's Auka?" I turn on my spyware earring to get an update. Pinatay ko kasi ito kanina noong hinila ako ni Oliver.
"Goodness, Z. Q is cornered." Sab replied. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabing iyon ni Sab. If something bad happened to my team, isang malaking kapabayaan ko iyon. I regret disconnecting my contact.
"Where are you?" Matigas na sabi ko. Mas binibilisan ang lakad at paghahanap sa kanila sa paligid.
"No. Stay where you are." Madiing wika ni Sab. May babala sa kanyang boses.
"Talk to yourself, Sabrina. You know I will never do that." I smirk endless while detecting Q's signal. "Found it. Tell D to guard Auka and leave Q to me. Do me a favor Sab be me."
"I will gladly do that." Walang pag-aalinlangan at masayang turan nito. Na eexited pa nga. Napailing na lang akong tinapos ang tawag.
Sa tulong ni Sab ay mas malaya akong makakagalaw at makakakilos sa paraang gusto ko. Ang gabing ito ay tiyak na mas hahaba pa at baka abutin na din ng umaga. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad-takbo ko papunta sa kinaroroonan ni Q. Nakakabanas kasi ang heels na suot ko at gusto ko na din tanggalin ito kapag napapagiwang ako. Pero sayang naman ang outfit ko kapag ginawa ko iyon. Hindi porket makikipagbakbakaan ako ay wala nang aurahan. Hindi maari iyon. Tiyak na makakatikim ako kay Sab ng hampas sa balikat kapag nangyari iyon.
Sa pinakadulo ng parking lot ako dinadala ng GPS. Naririnig ko mula sa kinaroroonan ko ang mumunting tinig na mula sa mga taong naroroon. Binalik ko sa normal ang aking paglalakad. Palinga-linga sa paligid. Nakikiramdam.
Gustong-gusto ko ang malamig na yakap ng hangin sa aking balat. Nakakaengganyo at napakasariwa. Saglit kong nakalimutan na kailangan pala ni Q ang tulong ko.
"Parating na siya." Natitiyak kong tinig iyon ni Q. Napaka-angas at tumatawa-tawa pa ang loko habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam pero wala akong maramdaman na panganib ngunit ako ay kinakabahan. Kinilabutan ako nang tumawa ang isa sa mga lalaking nakaharang kay Q. Pinalilibutan siya ng tatlong matatangkad at matitikas na lalaki.
"We have been waiting for you little princess." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagbulong ng kung sino man sa aking likuran. Napakalapit niya lang sa akin. Hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya.
Gusto kong paniwalaan na nililinlang lang ako ng aking pandinig pero mas lalo akong naestatwa sa aking pagkakatayo ng umakbay mismo sa akin ang lalaki at sapilitan niya akong pinapalakad papalapit sa kinaroroonan nila Q.
BINABASA MO ANG
DARK TERRITORY: THE BATTLE
AzioneA battle over battle. A battle of friendship. A battle against family. A battle towards love. A battle with revelation.