Chapter 4

11 0 0
                                    

“Shy type ka pala, Brad.Hahahaha”

“Sige tawa ka lang…”

“Pero kilig naman ako. Yun pala yung dinodrawing mo sa may duyan. Akalain mo yun. Kaya ka pala hinapon kasi dalawa ginawa mo? Napakasweet. Isa para kay Berna. Isa para sayo. Para pag gabi may makikiss ka!!”

Bigla ko syang sinapak. Manyak talaga.

“Joke lang naman yun e. OA mo. Tuloy mo na. Naeexcite na ako e.”

“Ok. So naging magkaibigan na nga kami. Lagi na akong sinisipag pumasok. Naeenjoy ko yung company ni Bernadette. Masaya sya kasama kasi madaldal pero nakakainis din pa minsan minsan kasi napakaingay. Bumalik na ako sa dati. Naeenjoy na rin ulit mag-aral. Sumasali na ako ulit sa mga contest. Nahabol ko lahat ng namiss kong lessons at nasa rank na ako ulit. Rank 1. Dumating ang bakasyon, lagi kaming magkasama. Tumatambay sa may ilog. Gumawa nga kami ng treehouse dun para dun kami tatambay. Hanggang sa mag 4th year high school na kami.”

***FLASHBACK***

“Lagi kang nangingiti mag-isa”

Nagulat ako nang magsalita si mama sa tenga ko. E that time nakatingin ako sa drawing ko. Sa drawing ni Bernadette.

“Mukang inlove ka sa anak ng kaibigan ko ah? Mabaet na bata naman yang si Bernadette e. Matalino pa. Bagay kayo.”

Nagblush ako. Nakakainis. Nang-aasar si mama. Oo nga pala. Ok na kami ni mama. Dahil kay Berna kaya napatawad ko na sya.

“Tingin mo mama, magugustuhan nya ako?”

“Aba, oo naman. Sa gwapo mong yan? Sa talino mong yan? Aba imposibleng hindi.”

“Talaga?” Pabulong kong nasabi pero napangiti ako. Umalis na si mama. Kinuha lang madudumi kong damit.

Tinitigan ko nanaman yung drawing ko. Gandang ganda ako kay Bernadette. Kaso pag naaalala kong napakadaldal nya natatawa ako na naiinis. Ayaw ko kasi sa maingay e.

Habang tinititigan ko yung drawing ko, bigla akong napakanta ng di ko inaasahan.

♪♪♪

Palagay ko mahal kita

Ikaw na nga walang iba

Di pa kase masabi

Ng puso ang nadarama

Pansinin mo rin kaya

Mahalin mo rin sana

Kasi na nga

Palagay ko mahal kita

Sige lang

Hihintayin kita

Sige lang

Sa tingin ko'y malapit na

Kung nagmamahal ka na

Maalala mo ako

Maalala mo ako

Palagay ko...

Palagay ko mahal kita

Ikaw na nga walang iba

Di pa kase masabi

Ng puso ang nadarama

Pansinin mo rin kaya

Mahalin mo rin sana

Kasi na nga

Palagay ko mahal kita...

(palagay ko mahal kita by Aiza Seguerra)

After ko mapakanta, bigla akong napatayo sa upuan ko at napasigaw.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon