Chapter 2

24 0 0
                                    

“ Diba sabi ko sayo nung nag 3rd yr ako madaming nagbago. So ano kasi. Included yung kung anong meron ngayon. Hirap naman kasi ikwento. Pero I’ll give my best para makwento sayo. Pinapahirapan mo naman kasi ako e. Mahirap sa lalakeng magkwento ng love story nya…..” Totoo naman kasi yun. Babae lang madaldal sa mga ganung bagay.

Napakamot ako sa ulo ko. Medyo mahirap kasi magkwento ng buhay. Lalo na, di ako sanay.

“OK lang, brad. Ikwento mo lang kahit ano, makikinig lang naman ako e. Di kita pagtatawanan.Promise”

“Sige na nga. Eto na. Noon kasi….”

***FLASHBACK***

Nakatanggap ng letter from school si mama. Bigla nya akong pinuntahan sa kwarto ko para kumprontahin.

“Ano ito?”

Ipinakita sakin ni mama yung letter na hawak nya.

“Letter. Don’t be so silly, mama, I know alam mo yan.. Obvious naman na letter yan.” Ipinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko. Inabot ko pa yung mp3 player ko tapos sinalpak sa tenga ko yung headset para di ko sya marinig.

“Wag kang bastos. Alam kong sulat ito. Ang tinatanong ko bakit ako pinadalhan ng letter ng iskwelahan mo?” Hinigit nya yung headset sa tenga ko. Di ko sya pinansin. Nagdrawing lang ako.

“Ano ba. Kinakausap kita, Emil!!” Sigaw nya sakin.

“Hindi ako si Emil!! Enrique ang pangalan ko!!” Sinigawan ko rin sya.

“Ano bang problema mo? Humarap ka nga sakin. Kausapin mo ko.”

Di ko pa rin pinakinggan. Bahala talaga sya dyan. Pero nagulat ako nang hablutin ni mama yung drawing ko, hinagis sa sahig at iniharap ako.

“Ano ba, mama. Ano bang problema mo?”

“Ikaw? Anong problema mo? Sabi dito, di ka na raw pumapasok, pumasok man lagi ka namang tulog sa klase mo. Lahat ng exam mo bagsak. Ano bang problema mo? “

“And so???” Sinasadya ko naman yun para inisin ka.

“And so? Bakit ka ba nagkakaganyan ka? Di matutuwa ang parents mo pag nalaman nilang ganyan ka!”

Nakita kong naiiyak na si mama. Natahimik ako sa sinabi nya. Bakit ba sa mga gantong sitwasyon lagi nyang isinasali sila mommy’t daddy. Ginagawa nyang panakot sakin.

“Bahala ka dyan. Ayusin mo yang pag-aaral mo. Yan ang pangarap ng mommy’t daddy mo…”

Tuluyan na syang umiyak tapos umalis sa kwarto ko.

“ Kung alam mo lang sana nararamdaman ko mama. Nasasaktan ako. Sana noon mo pa sinabi sakin para hindi ako nagmukang tanga. Umpisa palang pala alam nyo na kung anong mangyayari pero hinayaan nyo lang para sakin. Edi sana kung nakaalis kami kagad, buhay pa ang parents ko. Kung ayaw nilang sabihin sakin, sana ikaw na lang nagsabi.Lagi mong sinasabi na magiging masaya sila dahil nakaligtas ako. Ako hindi masaya kasi dahil sakin nawala sila.. Ang sakit tanggapin na nawala sila dahil sakin.…”

Pinulot ko yung dinodrawing ko at ipinagpatuloy. Fresh pa sa isipan ko ang itsura ng parents ko. Actually, sila yung dinodrawing ko ngayon.  Namimiss ko sila ng sobra sobra.

Di naman talaga ako naglalakwatsya e. Nakaupo lang naman ako sa puno ng mangga sa school. Nagdodrawing lang ako. Ayaw ko muna kasi pumasok. Gusto ko magrelax. Gusto ko muna mag-isip. Tinamad lang ako pumasok noong pinagalitan na ako ng titser ko nang makita nya akong tulog nanaman sa klase. Yung exams? Sinadya ko lang naman yung ibagsak.

“Hoy, Mr. dela Costa!!!”

Di ko sya pinansin although narinig ko syang tinatawag ako. Pinagpatuloy ko lang tulog ko pero may umepal sa likod ko, kinurot ako sa tagiliran kaya napabangon ako ng di oras. At nagulat ako nasa harap ko na si Mam.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon