<Stranger’s POV>
Ano bang drama ng dalawang ito? Bakit ako tinawag na Bernadette ng isang ito? Baka napasama yung pagtama ng bola sa kanya ah? Hala. Di kakayanin ng konsensya ko yun.
“Ah. Ano? Bernadette? Di naman Bernadette pangalan ko e. I’m Annasophie Agustin. Student from College of Business. Anyway, Nandito ako para magsorry. Napalakas kasi yung pagpalo ko sa bola tapos tinamaan kita.”
Aba, di sya nagcomment. Nagulat nalang ako ng tumawa yung katabi nya.
“Akala ko naman minulto na kami ni Berna. Brad, hindi naman pala sya si Berna. Kamuka lang.”
Tumingin ulit sakin mabuti yung natamaan ko. Di pa rin sya umiimik. Ano kayang nasa isip nito? Para naman akong matutunaw sa titig nya. Maya maya pinahid nya luha nya. Ay, bading. Umiiyak. At sawakas umimik na sya.
“Yeah. Right. Imposibeng mabuhay pa sya kasi nung time na yun wala na syang heartbeat e.”
Ano daw? Di ko talaga sila maintindihan. Pero humirit pa yung tinamaan ko.
“Mas maganda si Berna.”
Nakapoker face sya. Anong sabi nya? Mas maganda yung Berna kesa sakin? Maiinis ba ako?
Tumawa nanaman yung katabi nya.
“Well, mas kilala mo si Berna kesa sakin kaya wala akong macocomment sa sinabi mo.hahaha”
Humarap sya sakin.
“Ms. Annasophie, Am I right? I’m Maxx Delphin at itong TINAMAAN mo ng bola mo ay bestfriend ko. He’s Enrique la Constantino. We’re senior students of College of Business.”
Nginitian nya ako. Pero yung tinamaan ko mukang suplado. Di namamansin. Ni di man lang nagreact sa pagsosorry ko.
“Nice meeting you both. So, Mr. Enrique. Sorry talaga.”
Humarap sya sakin, titig lang sya. Then ,
“OK.”
Yun lang?Di ako satisfied sa sagot nya. Ano ba naman tong taong to. Dedma talaga?Yun lang talaga sasabihin nya? Napansin kong yung katabi nya tumayo na. Mukang aalis na.
“Brad, Anna, Alis na ako. Puntahan ko pa si Andrea, Girlfriend ko.”
Tapos may inabot sya kay Enrique, cellphone at sketchpad. Tapos ngumiti sya sakin. May sinabi sya pero pabulong. Di naman ako marunong bumasa ng buka ng bibig. Kaya di ko naintindihan.
“Yan na brad. Thanks sa story telling. Goodluck dyan sa ginagawa mo. See you mamaya sa praktis.”
Tinanggap lang nung Enrique tapos di na kumibo. Aba, snob talaga sya kahit sa bestfriend nya. Tumakbo na paalis si Maxx. Ako naman eto mukang tanga nakatayo sa harap ng kumag na to na hindi pa rin pinapansin ang beauty ko.
“Ahmm, ano..” Wala na akong masabi, napapahiya na ako.Ano ba to? Natural na sa kanya o talagang pinapahiya nya lang ako? Napansin ko sa di kalayuan yung mga kateam ko, nagtatawanan. Aba, nakakahiya na talaga tong ginagawa ko. Sa inis ko, sinipa ko sya sa tuhod nya.
“Ano ba, di ka ba talaga mamamansin? Nagsosorry po ako. Tapos OK lang sagot mo??”
Tumingala ulit sya. Tinignan lang ako? Tapos tumayo bitbit yung binigay sa kanya ni Maxx pati na rin yung bag nya.
“Imposible ngang si Bernadette ka. Di kayo magkaugali. Di sya rude. Marunong din makiramdam. Sabi ko nga ok diba? Sorry but I’m a silent type kasi. How do you want me to react ba? Ngumiti ako sayo then accept your apology? Give you my sympathy? No way. You don’t deserve any. Umalis ka na. I change my mind. I’m not going to accept you’re apology. By the way, I’m the captain player of soccer team. This is our area,our territory. Cheerleaders lang ang allowed dito. So, you including your friends over there..” Sabay turo sa mga kateam ko. Aba nakita nya pa yun kahit di sya umiimik at nakayuko lang. “are trespassers.”
![](https://img.wattpad.com/cover/13522955-288-k383411.jpg)