Chapter 7

18 0 0
                                    

<Enrique’s POV>

Nakaabot sakin yung issue. Sino kayang nagsumbong na may naglalaro sa field namin na ibang sport team. Baka isipin ni Bernadette, I mean ni Annasophie na ginagantihan ko sya. Pero totoo naman kasing trespassers sila. Di ba nila alam na bawal sila dun kung di naman sila ng P.P.E. Kilala ko si Anna, kahit di sya magpakilala sakin, kabatch ko sya. At sya ang matalik kong competitor. Although di ko pa talaga nakikita itsura nya, kanina lang. Di ko akalaing kamuka nya si Bernadette.

On the way na ako sa HQ nun nung may marinig akong nagsusumbong sa coach namin na may trespassers nga raw sa field. Pagpasok ko ng HQ nakita ko si Mark. Sus. Sya nanaman. Di na nagbago. Sumbungero pa rin. Napatingin silang lahat sakin, Coach, mark at ibang players na nandun.

Nalaman kong sinabihan na nila si Maxx para tawagin yung leader ng group nila Anna para pagsabihan. Umalis na si Mark kasama yung ibang players.

“Bye, Brad” Sabi nilang lahat.

Umupo ako sa couch na nasa tapat ng table ni coach Martin.

“Coach, nagpaalam sila sakin. Nakatambay ako sa may field kanina. Lumapit sakin yung leader nila para magpaalam na makikigamit ng field.”

Kawawa naman yung Anna na yun kahit na rude sya. Rude rin naman ako e. Pagtatakpan ko nalang sila.Swerte nya, first time ko to gagawin.

“Ganun ba. So dapat di ko na pala pinatawag yung leader nila.” Oo. Tama ka. Pero late na. Nautusan mo na si Maxx.

“Alis na ako. Kaya lang naman ako pumunta para sabihin yun.”

“Bakit di mo nalang itinext? O tinawagan mo nalang sana ako.”

E kasi dapat tatambay ako dito e. Kaso nagbago isip ko malamang papunta na yung mga yun dito, ayaw kong abutan nila ako no. Matatapakan pride ko ng harap harapan.

“Tinatamad akong magtext o tumawag pero sinisipag ako maglakad. Alis na po ako.”

Di ko na pinakinggan sasabihin nya. Lumabas na ako kagad.

<Maxx’s POV>

Matatawa na talaga ko sa expression ng muka ni Anna. Hahahaha. Pero totoo namang pinapatawag sya ng coach namin. Alam ko namang may ginawa sya kay Rick (Enrique, Rick nickname nya) pero kilala ko bestfriend ko, di naman yun palakibo. Nakita ko kaya sila. Sinipa nya si Rick. Nasa likod lang ako ng punong nasa likod nila. Akala nila umalis talaga ako.Well, binigyan ko lang sila ng time magkausap pero dahil nga tahimik talaga si Rick, mukang napikon si Anna. Tawa nga ako ng tawa habang pinapanuod ko sila. Umiral nanaman pagiging masungit ni Rick. Pero kilala ko yun, di na yun talaga galit, napikon lang sya sa ginawa ni Anna kaya naging ganun reaction nya.

Yung kay Andrea naman, may klase sya kaya joke lang yung sinabi kong makikipagkita ako sa girlfriend ko. Remember, nagabsent lang kami ni Rick. Pero nagtaka talaga ako nung una bakit ako tinawagan ng coach para ipatawag leader nila Anna. Pero dinagdag ko lang yung dapat kasama din sya. Gusto ko lang ipalabas na gumaganti na sa kanya si Rick. Hehehe. Medyo pilyo din naman ako e.

Actually may nakakita kasi sa kanilang ibang co-players namin. Kung si Rick nga na Captain player, may authority di na kumibo at ako namang next sa position nya di na rin kumibo, epal yung coplayer namin yun. Nagsumbong. At kahit na may position din ako, ako pa rin ang inutusan, well dahil pag dating sa mga gantong bagay, istrikto ako. Walang kaibikaibigan. Pag sinabing bawal, bawal utos ni coach e. 

Di pa rin umiimik si Anna. So dapat magsalita na ko ulit. Panakot.

“Nasaan ba leader nyo?”

Nagulat ako ng lahat sila tinuro si Anna. Gusto ko na talaga tumawa pero pinilit kong maging seryoso pa rin. So sya pala leader ng mga to. Sakto. Kahit pala di ko na dinagdag yung dapat isama rin sya ng leader, sya pa rin pala pupunta. Nice. I’m enjoying this.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon