Chapter 8

20 1 0
                                    

<Enrique’s POV>

“Bernadette, Happy Anniversary. Kung nabubuhay ka lang sana edi sana pang 5years na tayo. Alam mo ba miss na miss na kita. Never kitang kinalimutan. Ang dami ko na ngang drawings mo e. Iniimagine ko yung magiging itsura mo kung kasing edad na kita.  Ito na nga pala yung favorite mong cinnamon at flowers.

Kaninang nga pala may nakilala akong babaeng kamukang kamuka mo. Napagkamalan ko ngang ikaw sya e. Pero naisip kong imposible kasi nga wala ka na at magkaibang magkaiba kayo ng ugali. Pati pag aayos. Gusot gusot buhok nya e. Walang kaarte arte sa katawan.Tapos sya hindi pala ngiti, napakasungit at basagulera pa yata. Bigla ba naman akong sinipa kasi OK lang sinagot ko sa pagsosorry nya. Ano bang gusto nyang sabihin ko? Diba? Tinamaan nya kasi ako ng bola ng softball. Medyo nainis din naman ako sa nangyari kaya OK lang nasagot ko sa pagsosorry nya.

Pero alam mo, naguilty rin naman ako kasi nasungitan ko sya. Malamang tingin nya sinungitan ko sya kasi OK nga lang sagot ko e kasi naman di naman talaga big deal sakin yun kahit nakakainis. Aksidente naman kasi yun. Kaso mapanakit sya kaya nag-init ulo ko sa kanya. Naging mayabang tuloy ako. Sinabi ko sa kanyang Captain Player ako ng soccer at trespassers sila sa field. Kasi exclusive lang yun sa team namin e.

Akala nya siguro gumanti ako kasi bigla syang pinatawag ng coach. Pero Di ko naman yun kagagawan. Si Mark yun. Nabuti nga naabutan ko yung time na nagsumbong sya at nautusan na si Maxx ni Coach. Napagtakpan ko na sila kagad. Di ko naman talaga dapat gawin yun pero naisip ko pambawi na rin sa pagpapahiya ko sa kanya. Imagine antagal nyang tumayo dahil di ko sya pinansin. Malay ko ba kasing di nya maiintindihan yung ibig sabihin ng OK ko. NAgeexpect pa pala sya ng higit dun. Tama naman ginawa ko diba? Kasi may kasalanan din naman ako. Pwede ko naman sabihing “ wala yun. Ok lang” Pero “Ok” lang yung sinabi ko. Kaya siguro nainis din sya sakin.

Anyway, Oo nga pala, nagpraktis kami kanina. Malapit na kasi yung finals.  Nakapasok kami ng finals. Ang saya nga e. Kaso wala ka naman. Di mo mapapanood. Pero sure naman akong kahit wala ka dito mapapanood mo dyan sa heaven. Diba?

Naiinggit nga ako sa mga players ko kasi sila kada game nanunuod girlfriend nila. May banner pa. Nagchicheer. Samantalang sakin, si mama lang nanunuod. Pero masaya na rin ako kasi kahit wala ka sa mga audience, nasa puso naman kita. Ikaw ang nagpapanalo sakin.  “

Nandito nga pala ako sa puntod ni Bernadette. Inihatid ko yung Cinammon at yung flowers sa kanya. Anniversary namin kasi e. Dinalaw ko na rin sya. Miss na miss ko na kasi sya. Simula nung namatay sya, mas naging snob ako. Mas naging tahimik. Pero imbis na malungkot ako, mas pinagpursigihan ko sa pag-aaral. Hanggang sa makuha ko lahat ng mana ko mula sa parents ko.

Lahat ng ginagawa ko, mga achievements, dedicated ko sa parents ko at pati na rin sa kanya. Naging OK na kami ni mama. Sya parin ang kasakasama ko hanggang ngayon. Di nya talaga ko iniwan kahit na noon, naging rebelde ako sa kanya.Di na nga sya nag-asawa e.

Tumutulo nanaman ang luha ko. Para na akong bading nito e. Pinunasan ko na yung luha ko pero may pumapatak pa rin. Umaambon pala. Mukang tutuloy hanggang sa maging ulan. Gusto ko pa sana magstay ng matagal kaso wala akong dalang payong kaya tumayo na ako para umalis.

“Bernadette, aalis na ako. I love you. Wag mong kakalimutan yan ah. Miss na miss na kita.”

Naglakad na ako paalis. Pero biglang lumakas ang buhos ng ulan kaya tumakbo na ako. Nasa dulong bahagi pa man din ng simenteryo yung puntod ni Bernadette kaya malayo pa ako sa labasan.  Nakakita ako ng masisilungan. Kaya dumiretso muna ako dun para magpahina muna ng ulan bago ako umalis.

“Naku naman, bakit ngayon ka pa umulan. Minsan ko na nga lang makasama si Bernadette e. Tapos wala pa akong dalang payong. “

Naupo muna ako. Tiled naman yung sahig at mukang malinis. Hinubad ko muna ang tshirt ko para pigain tapos isinuot ko ulit. Basang basa yung buhok ko kaya ginulo ko buhok ko para matanggal yung tubig. Nang matapos na ako. Chineck ko cellphone ko kung anong oras na. 7pm. Gabi na pala.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon