Chapter 3

18 0 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong malamig ang kinahihigaan ko. Pagmulat na pagmulat ng mata ko, nagulat ako kasi kalahati ng katawan ko nasa sahig at kalahati nasa kama ko. Tumayo ako at bumalik sa higaan. Inaantok pa ako e. Sobra. Pikit ulit.

------------------------------------

“Di ka pumasok?”

Nagulat ako ng bigla akong sinuntok ni Maxx.

“Grabe ka naman,brad. Nagmakaawa na si Berna sayo e.”

Nakapout sya.Aba, kalalaking tao nakapout. Pake ba nya e di ako nakapasok e.

“E kung sa di ako nakapasok e. Tinanghali ako ng gising kasi nga diba di ako makatulog.”

“Kasi nakikita mo si Berna sa dreams mo. Naman.Pag-ibig na yan.”

Bigla akong nalungkot. Napansin naman yun ni Maxx.

“Sige na. Ituloy mo na. Bigla kang nalungkot. Di ko alam kung bakit pero di na ako magtatanong. Baka sa kwento ko na makuha yung sagot sa tatanong ko.”

Ipinagpatuloy ko na kwento ko

***FLASHBACK***

Napamulat nanaman ako ng mata. Pero this time biglaang mulat at napatingin ako sa orasan na nasa side table ko.

“Sh*t!! alauna na ng tanghali!!” Napasigaw ako tapos pumasok sa kwarto ko si mama.

“Bakit ka sumisigaw?”

“Bakit di mo ako ginising mama?? Alauna na. 7am pasok ko e.!!” Di ko mapigilang hindi mainis kay mama. Hindi nya ako ginising. E dati naman di sya pumapalyang manggising sakin pag tinatanghali ako eh.

“E diba sabi mo tinatamad ka na mag-aral? E bakit ngayon biglang nagkakaganyan ka?”

Pagtataka ni mama pero ramdam kong medyo nangingiti sya. Oo nga pala. Tumigil na ako sa pagpasok. Mga isang buwan at kalahati na. Pero kahit na. Pano na si Bernadette.

Teka. Bakit ko ba yun iniisip? Nakuha ko naman na yung sketchpad ko e. Tapos na yun.

“Oh, bakit di ka na kumibo dyan?”Tanong ni mama.

“Wala. Lalabas po muna ako.”

“Aba di ka pa nga ng-aalmusal o tanghalian man lang.”

“Dyan lang naman po ako sa likod bahay e.”

“Kumaen ka muna.”

So yun na nga, kumaen muna ako. Kulit ni mama e. after ko kumaen lumabas na ako sa likod bahay. Naupo sa may duyan. Dala ko yung sketchpad ko tapos ngstart na akong mgdrawing.

Eto naman talaga libangan ko, mgdrawing. Kung di man e magbasa, o magsulat sulat. Basta malibang ako ok na. Mas naeenjoy ko yung mga ganung bagay kesa maglaro, magcomputer o kung ano paman.

Naririnig ko si mama. Tinatawag na ako. Napatingin ako sa relo ko, mag aalasais na pala. Napakatagal ko na palang nakaupo dito at ngdodrawing. Napangiti ako kasi natapos ko dinodrawing ko. At kamukang kamuka ng subject na naisip ko.

Tumakbo na ako papasok sa bahay. Sinalubong ako ni mama.

“Kanina ka pa dun. Anu bang ginawa mo?”

Di ko sya pinansin. Galit pa rin ako sa kanya.

“Tara na, kumaen ka na.”

“Mamaya na po.”

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Binuklat mga notes na pinahiram sakin ni Bernadette. Iniscan ko. Tapos yung isang notebook naman hanggang sa nagsawa na ako.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon