Chapter 9

17 0 0
                                    

<Maxx’s POV>

Napakaboring ng araw na ito. Pumasok na kami ni Rick. Kung tatanungin nyo kung anong ginagawa ni Rick. Ayun natutulog. Gawain na nya yan eh. Kung sa bagay boring naman kasi tong klase. History. Kahit na masyado syang GC (Grade conscious) kapag ito ang subject, tinutulugan nya lang. Pero napapasa naman nya kasi magaling sya gumawa ng reports sa kung anumang ipagawa o ipabasa sa amin. Kaya kahit mabagsak nya yung exams bawing bawi naman nya. Samantalang ako, ni isang report wala pa akong nagawang nagustuhan ng prof namin. Kung hindi hinahagis sa labas ng room, hinahagis sa basurahan. Hehehehe. Tinatawanan ko na lang yung mga ganung eksana ng buhay ko.

Ako naman eto kunwari nakikinig sa lesson pero ang totoo lumilipad na ang utak ko kakaisip nang mangyayari mamaya. Naeexcite akong panuorin yung lunch date ni Rick at Anna sa cafeteria. Boring. Cafeteria talaga. Hmmmm, gagawa ako ng paraan para mapuno yung cafeteria para sa university park sila kumaen. As if namang need ko pa yun gawin sadyang madami naman talagang tao dun.

Wait nga pala, nasabihan na ba ni Anna tong monggoloid na to? Paano kung hindi pa. Well, that’s my duty for being Rick’s bestfriend and Anna’s Love doctor.

Tapos na ang klase, tumayo na ako at nakita kong tumayo na rin si Rick. Agad ko naman syang nilapitan.

‘Brad, San ka pupunta?” Sana isagot nya, “May usapan kasi kami ni Anna.” Pero nabigo ako as expected, kasi sagot nya lang sakin ay isang malaking..

“WALA KA NANG PAKE. Tigil tigilan mo ko sa pagspy mo ah. OA na masyado yan,Maxx.”  Ouch naman talaga to paminsan minsan.

Alam mo yung bestfriend mo sya pero kung anong treatment nya sa iba ganun din yung treatment nya sayo. Pero di ako susuko. Kukulitin ko sya. Mukang may malalim syang iniisip. Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na alam kong makikipagkita sya kay Anna. Kasi malamang maiinis yun at idedeny nya lang.

Sinundan ko sya ng sinundan. Dumaan sya ng library. Isinauli yung book na hiniram nya at nanghiram nanaman ng dalawa pa. Napakabookworm ng taong to. Sana man lang mga men magazine binabasa nya kaso nung time na pinahiram ko sya ng isa ibinato nya sakin. Nonsense daw yun. As if di sya lalake di ba? Ano ba itong piangsasabi ko.

Anyway, Next destination nya ay ang HQ namin. Kunwari may kukunin ako sa locker ko pero ang totoo sinusundan ko sya. Aba, nahiga sa couch at itinaas ang mga paa tapos parang walang balak umalis. Ako naman umupo sa kabilang couch. Kunwari maglalaro ng PSP. Wala akong choice kundi maglaro ng pambabaeng game dahil pinalitan ni Andrea ng memory stick yung PSP ko nung hiniram nya. Napili kong laruin yung K-ON kahit na di ko maintindihan yung language. Yun lang kasi yung matino kesa naman magdress up ako or fashion recue. Masyado nang girly.

Di ko na namalayang umalis na pala sya. Nawili ako sa paglalaro ko. Nakakailang combo na kasi ako. Astigin naman pala yung laro na yun. Napatayo ako kaagad tapos lumabas ng HQ. Nakita ko si Anna.

“Anna!!”

“Ikaw pala, Maxx. Nakita mo ba si Rick? Di kasi nya ako sinipot sa lunch namin.”

Sinasabi ko na. Nasabihan na sya ni Anna. Walang hiyang Rick to. Di sisipot. Di pwede yan.

“Sorry, sinusundan ko kasi sya kanina kaso nawala sa isip ko na sinusundan ko sya nung naglaro ako ng psp.Pero alam ko naman na kung saan sya pupuntahan.”

“Talaga? Saan?”

“Sasamahan na lang kita.”

Hinila ko na sya tapos pumunta na kami sa soccer field. Sure akong dun yun pupunta kasi dun naman madalas tumambay yun maliban sa library o HQ namin.

<Enrique’s POV>

Akala ba ni Maxx di ko alam na sinusundan nya ako. Matagal ko na syang kilala no.Kaya naman nung nasa HQ na kami, nahiga ako sa couch. Tapos sya naupo sa kabilang couch at naglaro ng psp. Pinapanuod ko sya mula sa pagkakahiga ko. Pansin kong focus na focus na sya sa paglalaro nya kaya dahan dahan akong tumayo para makaalis.

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon