"Alyx, kumain na tayo."
Namulat ang mabibigat na mga mata ni Alyx nang marinig niya ang boses ni Zaida sa labas ng kanyang kwarto. Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakahiga at nakatitig sa taas.
Narinig niyang bumukas ang pintuan. Dama niya ang mahinang yabag ng mga paa ni Zaida. Agad tumagilid si Alyx nang maramdaman niyang naupo ito sa gilid ng kanyang higaan.
"Masama pa rin ba pakiramdam mo?" Tanong ni Zaida sa kanya.
"Di ko pa kayang bumangon."
"Kumain ka, baka sakaling gumanda lagay mo."
"Hindi na muna, Ate. Babangon ako pag okay na ako," tanggi ni Alyx.
Hindi na umimik si Zaida. Tumayo na lang ito at lumabas ng kwarto. Nang sinarado na niya ang pintuan, hinayaan na ni Alyx na isipin ang mga gusto niyang ipahayag sa sarili.
Ama ko ba ang nakita ko kanina?
Ano nang nangyayari sa Kerle? Ibig sabihin, halos forty years na lumipas. Gyera pa ba doon? Si Quon pa rin ba ang namumuno?
Kung ama ko nga iyon nasa bookstore, bakit hindi niya ako nilapitan?
May kinalaman ba si Ate Zaida sa lahat ng ito? Pati siya pinagdududahan ko na. Is she actually working for the enemy?
Maybe she's really hiding something from me. Ayokong isipin na ganoon siya, pero sa mga pangyayari, baka nga may ayaw siyang sabihin sa akin.
She hated herself for these thoughts. Kung kaaway nga si Zaida, sana dineretso na lang siya kay Quon. Ngunit inalagaan siya nito bilang kanang-kamay at bodyguard ng kanyang ama. Pero bakit ayaw talaga niyang sabihin ang mga totoong nangyayari sa Kerle at sa kanyang ama?
Sabi sa kanya ni Jabe, it will work out in time.
Ang gandang pakinggan.
Pero parang nababagabag pa rin si Alyx.
Ano kayang magiging kasagutan sa kanyang mga tanong?
---
Nagising si Alyx ng ala una ng umaga. Naramdaman niya ang kanyang gutom, kaya dumiretso siya sa kusina at nag-init ng sopas sa microwave oven. Iyon pala ang niluto ni Zaida kanina.
Nang maubos na niya ang sopas, nagtungo ulit siya sa kwarto at pinilit makatulog. Ngunit parang nawala na siya sa wisyo na antukin. Kaya nagbukas na lang siya ng tablet at portable wi-fi para mag-browse sa Internet.
Nagbasa siya tungkol sa mga misteryosong pangyayari na related sa mga aliens at mga lugar sa universe.
May isang article siya na kinagulat.
BINABASA MO ANG
Star Princess
FantasyIsang kakaibang babae na napadpad sa isang kakaibang mundo -paano kaya niya haharapin ang pagsubok na ito?