Chapter 1

10.4K 167 15
                                    

"FERONTO!!!" Isang matinis na sigaw ang  nagpabalikwas kay Cyde at sa ibang elders ng CF Empire. Natatarantang pumasok ang isang babaeng reaper sa kwartong iyon. Ngunit bago pa man siya magsalita ay isang matinis na sigaw na naman ang narinig nila

"CYDE FERONTO! MANGANGANAK NA AKO BILISAN MO BWISiIT KA TALAGAAAA!"

At doon na natarantang lumabas si Cyde Feronto sa silid na iyon upang puntahan ang kanyang asawa. Naroon ito't naglalakad papunta sa pinanggalingan niyang silid. Kitang-kita dito na nahihirapan na ito sa dala-dala niya. Nakahawak ito sa kanyang tiyan habang ang kabilang kamay ay nasa likod.

"WAG KANG TUMUNGANGA FERONTO! PAPATAYIN NA TALAGA KITA!" Sigaw nito na dahilan kung bakit nataranta si Cyde na buhatin ang asawa niya at dalhin sa clinic kung saan naroroon si Dra.Hudsons.

"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ng doctora. Habang dahan-dahang hinihiga ni Cyde si Vienna sa stretcher.

"Hindi ba halata doctora? MANGANGANAK NA AKO!"  Singhal ni Vienna sa kanya. Nanlaki ang mata ng doctora at dali-dali siyang ipinasok sa isang kwarto doon kasama ang ilang nurses. Pumasok na din si Cyde ngunit pinalabas siya mismo ng kanyang asawa na hindi naman niya ginawa. May ginawang kung ano ang doctora kasama ang ilang nurse habang si Vienna naman ay nakakapit sa braso ni Cyde.

"Di ka na talaga makakaulit Cyde Feronto!" Sabi pa neto habang pinaiiri ng doctora. Halos maluha naman si Cyde habang pinagmamasdan ang nahihirapang asawa.

"I'm sorry honeybaby. Fuck! I'm really sorry" nanghihinang sabi neto pero binatukan lang siya ni Vienna.

"Wag ka ngang magmura punye-- bwisit ka! Pag yan ang unang natutunan ng anak mo lagot ka talaga sakin!" Bahagyang natawa si Dra.Hudsons sa sinabi ni Vienna. Ilang saglit pang napuno ng sigaw ni Vienna ang silid bago namutawi ang iyak ng isang sanggol.

"Congratulations, Mrs. And Mr. Feronto! It's a girl! May younger sister na si Cyvin!" Nakangiting sabi ng doctora habang ang ilang nurse ay may kung anong ginagawa sa sanggol. Tila natunganga naman si Cyde habang dinadala sa kanya ang maliit na sanggol na babae. Nakatunganga lang siya hanggang sa malapit na ito sa kanya. Bahagyang kinurot siya ni Vienna kaya natauhan ito at nilingon ang asawa.

"I-I cannot believe it! Hahaha Im not sorry for having you pregnant again honeybabe haha" sayang-sayang sabi nito na nagpangiti kay Vienna. Hinarap ni Cyde ngayon ang kanyang anak at dahan-dahang binuhat ito. Isang pamilyar na pakiramdam ang kanyang nadama habang buhat-buhat ito. Ganito rin ang kanyang naramdaman noong una niyang nahawakan ang kanyang panganay na si Cyvin.

"My princess...." pabulong na sabi nito habang hinahaplos ang mukha ng baby. Nilingon niya si Vienna na pagod na ngumiti at saka unti-unting pumikit na. Kinuha muli ng doctora ang baby para dalhin daw muna sa nursery room

Napalingon sila sa pinto ng bigla itong bumukas at isang maliit na boses ang kanilang narinig.

"Daddy! Daddy! Where's mwommy? How's mwommy? Twito Huntew thaid that bwaby bwother or thither came out of mwommy's tummy." Natatarantang sabi ng 2 taong gulang na si Cyvin Gino Feronto. Ginulo naman ni Cyde ang buhok ng kanyang panganay at saka lumuhod para pantayan ito.

"It's a girl, my little man. A beautiful girl." Sabi niya sa anak na ito.

"Weally??" Nakangiting tanong ng kanyang anak. Tila ba ang saya-saya nito sa nalamang balita. Tumango-tango naman si Cyde ng nakangiti.

"Where is she daddy?? I want to thee my bwaby thister!" Tumatalon-talon pa ito habang sinasabi iyon. Natawa naman si Cyde sa inasta ng anak.

"Not now baby. I'll take you to her later, ok. You should eat your merienda now. " mahinahon na sabi niya dito at saka tumayo.

"Hmm.. ok daddy" sabi nito sabay halik sa pisngi ng daddy niya. Pagkalabas nito sa silid ay agad pinuntahan ni Cyde ang kanyang asawa na nagpapahinga. Ngayon lang siya nahirapan kasi normal ang pagdeliver niya sa pangalawa nilang anak. CS kasi siya sa kanilang panganay na kinuha ang unang pangalan sa pangalan ng anak nila noon na namayapa dahil sa kagagahan ng isang babae. Si Rica. Ang second name nman nito ay kinuha sa namayapang kaibigan at ex boyfriend ni Vienna na si Gino na siya ring dahilan kung bakit pa siya nabubuhay ngayon.

Simula ng matapos ang mga bagay na iyon ay payapa na ang lahat tila nakalimutan na ni Vienna at Cyde ang nagawa ni Rica dahil na rin naging abala sila ng malaang buntis si Vienna.

Hinaplos ni Cyde ang mukha ni Vienna at bumulong dito.

"My honeybabe, I promise to keep you and our children safe. I will do everything to keep you away from any harm."

Meanwhile....

"Head Master,kelan tayo gagalaw? 4 na taon na tayong walang ginagawa laban sa CF Empire!" Naiinis na sabi ng isang lalaki. Inirapan siya ng lalaking tinatawag niyang head master at saka ngumiti.

"Wag kang mag-alala. Malapit na rin tayong gumalaw. Hinihintay ko lang kung anong hakbang ang gagawin ng desperadang si Rica at saka tayo gagalaw" nakangising sabi nito.

"Ano pa't kailangan pa nating~" hindi na naituloy ng lalaki ang kanyang sasabihin dahil tinutukan siya ng lalaking iyon ng baril.

"Wag ka ng maraming tanong. Ayoko sa maingay."

Still Owned By The Mafia's Emperor [SOBTME #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon