"Baby.. I want pringles!" nagtatantrums na sabi ko kay Irene. Nandito kami sa bahay namin at nagluluto sya habang nakaupo ako dito sa may stool.
Lumingon lang sya sa akin ng saglit tapos ay binalik ang tingin sa niluluto nya, "pero ubos na yung stock mo diba?"
"Yeah, gusto kong bumili."
"Edi bumili ka."
"Hindi mo ako sasamahan?"
"Kaya mo na yan. Tsaka may niluluto ako, oh."
"Fine. Aalis muna ako, babalik ako kaagad." sabi ko naman at tumayo. Nagkecrave talaga ako.
"Hmm," she said in response.
Aalis na sana ako pero naisip ko na lambingin muna si Irene. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa bewang habang nakatalikod sya. Halata namang nagulat sya dahil napapitlag sya kaya naman napatawa ako ng mahina.
"Baby... mamimiss kita."
"Ang arte mo, Kkangseul. Bibili ka lang ng pringles mo." natatawang sabi nya kaya napapout ako. Panira talaga ang isang to.
"Ah, basta. Mamimiss pa din kita." bulong ko sa tenga nya habang hawak ko pa din ang bewang nya.
Napatawa naman sya ng mahina, "ako din. Kaya naman bumili ka na para makabalik ka kaagad. Iintayin kita." sabi nya at base sa boses nya, alam kong nakangiti sya.
Hinalikan ko naman ang pisngi nya, "bye baby."
"Bye."
Bakit ganun? Sandali lang naman ako pero namimiss ko agad sya.
**
BINABASA MO ANG
fangirl // seulrene
Fanfictionin which Seulgi is a fangirl. wait; is she really just a fangirl? Thank you @DizasterX for cover and @Bearchuism for the plot