"Kamusta buhay mo?"
yan ang tinanong sa akin ni Irene na hindi ko agad nasagot.
kamusta nga ba ang naging buhay ko simula ng iwan mo ako?
Hindi ako naging masaya. Lagi akong nagkukulong sa kwarto ko nun. Naging bestfriend ko ang unan ko dahil dun ako lagi umiiyak. Nagmukha akong kawawa dahil patuloy pa rin kitang iniistalk sa mga accounts mo.
Hindi ko na alam ang kahulugan ng happiness noon. Hindi na ako marunong ngumiti. Nahirapan ako sa pagmomove-on dahil hindi naman talaga madali.
Lahat ng bagay na nakikita ko, naaalala kita. At para akong paulit ulit na pinapatay.
Pinipigilan ko ang sarili ko na panoorin yung palabas nyo ni Bogum. Yung mga TV guestings mo, hindi ko pinapanood.
sobrang hirap ng naging buhay ko.
Ngunit dahil ako to, si Kang Seulgi, hindi ko sinasabi sayo ang totoo. Instead, ngumiti ako ng pilit gaya ng lagi kong ginagawa sa iba kong kaibigan tuwing tinatanong nila ako kung ayos lang ako.
"Maayos naman ako. May maayos na akong trabaho. Architect na ako."Napangiti sya sa akin. Miss ko na ang mga ngiti nyang yan. Todo pigil ako sa sarili ko. Gusto ko syang yakapin pero alam kong hindi pwede.
"Buti naman at maayos ka."
ang totoo, hindi Irene. hindi ako maayos.
++
good morning!
BINABASA MO ANG
fangirl // seulrene
Fanfictionin which Seulgi is a fangirl. wait; is she really just a fangirl? Thank you @DizasterX for cover and @Bearchuism for the plot