19

995 42 12
                                    

"Hindi ako papayag."
matigas na sabi ko kay Irene ng sabihin nyang pupunta sila sa ibang bansa.

"But baby—"

"Shit. Just shit, Irene." matigas na sabi ko at tumingin sa kanya, "8 months?! Are you kidding me?" oo, wala na akong pake kung sumisigaw ako. Galit ako. Sobrang galit.

"P-pero kailangan. Doon sa pilipinas kami maraming gagawing scene." sabi nya at medyo yumuko pa. Pansin ko na malamya sya na para bang hinang hina. Napailing nalang ako. Hindi na sya healthy. Dahil sa mga pag arte arte nya na yan, pumapayat na sya. Madalas puyat.

"Fuck, Irene." I cursed. Napasabunot ako sa buhok ko. "Fine! Umalis ka. Iwan mo na ako."

Kita ko sa mga mata nya ang pain. Nasasaktan sya. Malamang ako din naman! Sobrang nasasaktan.

"Seulgi—"

"Nandito naman ako lagi para suportahan ka," mahinang sabi ko at tumulo ang luha mula sa mga mata ko. "Pero hanggang kailan? Naging supportive naman ako. Pero lagi nalang ba? Kailangan pa bang humantong sa puntong iiwan mo na ako para sa pagaartista mo?" naiiyak na tanong ko.

mas pinipili mo yan kesa sa akin, Irene?

"Seulgi," yumuko sya. "Hindi ko din naman ginusto—"

"Pero aalis ka pa din, diba?" putol ko sa sinasabi nya. "Iiwan mo pa din ako kasi mahalaga yang pagaartista mo." mapait na sabi ko.

"Babalikan naman kita, Seulgi." mahinang sabi nya sa akin at tumingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako ng malungkot, "yun ay kung mahal pa natin ang isa't isa."

fangirl // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon