15

986 34 1
                                    

"Stop it, Seulgi. Don't be childish. Nagpapakaprofessional lang si Irene," sabi ni Wendy sa akin. "Wag kang ano dyan."

"Masisisi mo ba ako? Eh maghahalikan sila ni Bogum, anong magiging reaction ko? At talagang saktong pagbisita ko kay Irene, tsaka gagawin yung scene na magkikiss sila ha."
inis na sabi ko. Nananadya ata ang bwisit na tadhana na yan. Kung kailan binisita ko si Irene sa set, tsaka biglang gagawing yung scene na may kissing scene.

"Chill, edi wag kang manood. Tsaka kung nagseselos ka naman, isipin mo nalang na hindi ginusto ni Irene na mahalikan si Bogum. Tsaka, sabi nga ni Irene, iisipin nalang nya na ikaw ang hahalikan nya diba? It means na ikaw lang ang gusto nyang halikan. Wag ka na magselos dyan, ikaw lang ang mahal nun." sabi nya sa akin. Huminga naman ako ng malalim at umiwas ng tingin kela Irene. Tama si Wendy. Hindi ko nalang papanoorin.

Pero bakit ayaw maalis ng mata ko sa kanila?

Tinignan ko si Irene at Bogum na kasalukuyang naglalapit na ang mukha. Gusto kong umiwas pero ayaw maalis ng mata ko sa kanila. Nakakainis.

Hindi ko alam pero parang piniga ang puso ko ng makitang nagdikit ang labi nila.

Kahit pala alam mong acting lang iyon, masakit pa din. Lalo na at alam mong hindi lang ikaw ang nakahalik sa labi ng taong mahal mo.

Walang pasabing tumayo ako at lumabas ng set nila. Nagseselos talaga ako.

***

good evening. ang wafu ni Ethan. yiz

fangirl // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon