Chapter 3

32 0 0
                                    

Another side

Okay katana, it's alright kunwari'y walang nangyare.

Bumaba ako ako ng uber pagkatapos kong mag bayad at naglakad papasok ng school.

Kahit isipin kong walang nangyare ay hindi ko kaya, at mas lalong hindi ko kakayanin sa tingin at bulungan nila.

I wanna cry, bakit ba nangyayare ito? nanlulumo akong naglakad papuntang classroom at umubob sa desk ko. I'm fvckinf mad!

Ang school na pinapasukan ko ay hindi gaanon kasikat sa bansa, siguro'y sikat lang sa lungsod namin. Hindi siya ganon kalaki katulad ng mga unibersidad pero masasabi kong malaki ito ng triple kumpara sa ibang private schools sa lugar na ito.

"Nicaaaaaaaaaaa! oh my gee, ano yun bakit may pa tweet si papa zack, bakit wala akong alam jan? crush moba yun isa kana ba sa army niya?" pinaulanan ako ng tanong ni elleina.

Sabi kona eh, expected kona ito ngunit nakaka panlumo padin talaga, bakit ba kasi nangyayare ito?! puro pasakit nalang sa ulo ang dala niya bwiset.

Ibinagsak ko nalang ulit ang ulo ko at mangiyak ngiyak na napapailing sa lahat ng nangyare. If she isn't my friend baka kung ano na nasabi ko.

Bakit sa lahat ng lalake sa isang bobo at palikero pa ako ma lilink?! At hindi lang yon, nadudungisan ang pangalan ko! I hate what's happening. I wanna kill someone right now.

"Hala siya? Ang showbiz mo bessy ha! Napaka mo, bestfriend mo ako tapos wala akong alam jan! kaylangan muna mag trending sa page ng campus bago ko malaman! ano na? no comment!"

Mayroon pabang mas worst sa nangyayareng ito? and elleina was a bit babo lately! Hindi niya ba makitang hindi ko nagugustuhan ang nangyayare?

Last night binaha ako ng dm at tweets. Kahit hindi sabihin ng iba alam kong iniisip nila na ang landi ko putcha. Hayup na Reyes talaga yan makita kolang siya titirisin ko siya!

Imbis na tahimik yung buhay at pangalan ko pinaguusapan tuloy ako ngayon ng kung ano ano. Kanina nga lang habang nag lalakad ako andami ng bulungan eh!

"Ano na, ano na ngang score sa pagitan niyo si zack!" kinikilig nitong tanong.

Kung may gana lang ako ay binatukan kona itong si elleina. Talaga bang manhid to at hindi niya magets?

"Tigilan mo ako elleina, sumasakit lalo ulo ko sayo, please lang? ayoko sa lahat ng nangyayare. Hindi moba naririnig yung bulungan diyan sa tabi tabi?" walang gana ko itong sinagot at nag nap ulit sa arm chair ko.

"ay gaga din, mamshie malamang sa malamang ay mangyayare yan! Pake moba sakanila?" Bumisangot ito at pabagsak na umupo sa tabi ko.

"parang sinasabi na niyang may gusto ako sakanya bwiset. Nakita mo naman yung tweet diba?! walang pakundangan!" napa pikit ako at buntong hininga sa inis, kung legal lang talaga pumatay ay nagawa kona!

"So totoo ngang sinusulyapan mo si zack?!" tawa ito ng tawa habang nakatingin saakin.

Ako, may gusto sa isang bobo? Can I die instead please?

"Pwede ba elleina, hinding hindi ako magkakagusto sa isang noob na ultimo english hindi marunong 14 out of 60?! oh please stop it." inirapan ko ito at umiwas ng tingin.

"SEE YOUR STALKING HIM! pati test paper niya alam mo! Confirmed!" mas lumakas pa ang tawa nito at sinusundot sundot yung tagiliran ko.

"Oh fvck elleina hindi sa ganon! hindi ako stalker!" naiinis na ako kaya nakakunot na ang noo habang nakikipag usap kay elleina.

WHEN LOVE DIES [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon