Si Dencio ay kuya ng kaklase niya nuong highschool na si Frank. Nasa maynila na ito nag aaral ngayon. Alam nito na huminto siya ng pag-aaral mula ng yumao ang ama.
Matagal na rin siyang niyayaya nito na magtrabaho sa pinapasukang punerarya sa bayan.
"Kaya mo ba? " Ito ang bungad sa kanya ni Dencio ng magkita sila sa bayan minsang nautusan siyang mamili ng paninda at maidaing niya ang pangangailangan ng ekstrang pagkakakitaan.
"Marunong ka namang lumangoy di ba?", paniniguro iyon bukod sa pagtatanong.
Napatango siya. Nagtataka man, di niya ito pinahalata sa kaibigan. Sa punerarya ang trabaho pero bakit kailangan pang marunong lumangoy?
Inakbayan siya nito at ipinaliwanag ang mga dapat niyang malaman at dapat gawin. Umatras siya ng malaman ang trabaho ng kaibigan.
"Madali lang yon oras na masanay ka." Sabi ni Dencio, "tibay ng dibdib ang kailangan."
Isinama siya nito minsan at nakita niyang madali nga lang ang trabaho. Pero hindi niya kaya. Hindi niya masikmura.
Hanggang sa isang araw umuwi siyang walang tao sa bahay nila. Nasa ospital daw ang kanyang nanay, sabi ng kapitbahay.
Isinugod si Dexter dahil dumudugo ang ilong at tumitirik ang mata.
Dengue ang sakit nito at kahit nagbigay na ng tulong si Mang Paeng kinulang pa rin sila sa panggastos.
Napilitan siyang lumapit kay Dencio.
Duon nagsimula ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/13548888-288-k455945.jpg)