Marami ang naniniwala na ang ilog ay humihingi ng alay taon taon.
At palagi na, kundi ang Sirena, ang diwata ng ilog ang sinsabing kumukuha ng alay.
Noong nakaraang buwan sunod sunod ang pagkalunod ng mga kabataang nakatakdang magtapos sa High school sa bayan. Maraming ina ang lumuha. Maraming ama ang sumuntok sa pader sa panghihinayang.
"Bakit ang anak ko pa?" Tangis ng ilan.
"Bakit malupit ang ilog?"
Nalungkot siya para sa mga pamilya ng namatay. Sa inis, kinompronta niya si Dencio.
"Wala ka na bang kaluluwa? Bakit mo gingawa 'to?" Malakas ang boses niya.
Napatingin sa kanya si Dencio. Tiim bagang at nagsalubong ang mga kilay.
" Huwag na huwag mo kong papangaralan Arnaldo! Bakit? Ako ba ang tinanong mo kung bakit?
Tinanong mo na ba sa sarili mo iyan?" bigla, tumalikod ito.
Lumakad palayo sa kanya. Noong una akala niya magsusumbong ito sa may ari ng punerarya at ipapatanggal siya. Pero nagulat pa siya ng bumalik ito. Ibinato sa malapit sa paanan niya ang ilang papel. Tumanaw ito sa malayo. Nakita niyang bahagyang nagpahid ng mata.
Umiiyak si Dencio? Nagulumihanan man, mas pinili niyang pulutin ang mga papel na nasa paanan. Iba ibang resibo at ilang larawan.
Si Frank nung bata pa. Payat at nasa ospital. Si Frank noong graduation nila. Meron pang nakasama siya at nakangiti sila sa kamera. Si Frank sa kolehiyo. Resibo ng ilaw. Resibo ng tuition fee sa Maynila. Resibo ng ospital sa Maynila.
"Akala mo ba gustong gusto ko ang ginagawa ko?" Napatingin siya ng muling magsalita si dencio. May konting garalgal ang boses.
"Minsan tinanong ko na din ang Diyos kung bakit ako pa. Ang dami namang pwedeng bigyan niya ng ganitong sumpa. Andyan si Bertong lasenggo na walang ibang ginawa kundi bugbugin ang asawa pag nalalasing. Bakit hindi na lang siya. O kaya si Wawa na hanggang ngayon ay adik pa din at nagbebenta ng droga sa mga kabataan sa bayan. Marami akong pangarap para sa kapatid ko. " Mahabang litanya nito.
"Alam mo bang muntik ko ng pakasalan si Linda? Pero wala. Sinaktan ko siya at ipinakitang di ako magiging mabuting asawa. Kaya siya lumayo. At masakit iyon. Wala naman kasi siyang mapapala sakin. Kakamuhian niya ako gaya ng pagkamuhi ko sa sarili ko nung una."
Nagulat siya. Kung gayon gusto na ni Dencio ang ginagawa nito?
"Nagulat ka ba? Oo. Di na ako namumuhi sa sarili ko. At napatunayan ko na walang Diyos. Dahil kung peron man, bakit pinababayaan niyang patuloy tayong kumuha ng 'alay? Anong klase siyang Diyos?" natawa pa ito ng bahagya.
Tiningnan siya sa mata. " Kung aayaw ka ay bahala ka. Sinabi ko na sayo nung una pa lang. Tibay ng dibdib ang kailangan mo. Mamimili ka, sila o ikaw?" pagkatapos sabihin iyon hinitit ni Dencio ang sigarilyo at itinapon. Umalis na ito di man lang siya nilingon. Tinapik ang balikat ni Ruel na isa pa sa kasama nila sa pag alalay sa punerarya.
Tumawa ng malakas na tila di nakipagusap ng seryoso kanina.
Napailing siya.
Sila o ikaw? Umalingawngaw sa kanyang tenga ang boses ni Dencio sumunod ang matunog na halakhak.
![](https://img.wattpad.com/cover/13548888-288-k455945.jpg)