Ang tanong, kaya mo ba?

110 3 0
                                    

Kakagradweyt pa lamang niya ng High School ng mag-apply siya kila Mang Paeng. Kumpare ito ng kanyang amang kamamatay lang dahil sa sakit sa puso. Unang atake at di na ito nakaligtas. Nagpasabi ito na kung gusto niyang magka trabaho ay kukunin siya pagkatapos ng graduation.

Pumayag agad siya. Alam niya na hindi maaaring mag trabaho ang ina dahil mahina ang katawan nito.

Nuong una ay tumutulong lang siya sa tindahan.

Nang lumaon siya na ang pinagkakatiwalaan para mamili ng dagdag na paninda sa kabilang bayan. Tuwang tuwa ito sa kanya dahil masipag siya at hindi lumiliban sa trabaho.

Ayos naman ang pasweldo, yun nga lang sapat lamang iyon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at kapatid. Ni hindi siya nakakaipon. Kailangan niyang humanap nag ekstrang trabaho.

Nuon niya naalala si Dencio.

"Madali lang ang trabaho Arnie. Ang tanong ay kaya mo ba?"

" Bakas "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon