The End

98 3 2
                                    

Kumalat ang balita sa mga taong nanduon ng mga oras na yon.

Nahintakutan ang mga nanay, kanya kanyang kuha ng kanilang anak na nasa gilid ng ilog. Ang iba ay umuwi. Marami rami pa din ang nagpaiwan at tinapos ang paliligo.

Nasa isang tabi siya. Nakayuko. Di makalimutan ang kababalaghang nasaksihan.

Maya maya pa umalingaw ngaw ang tili ng isang babae. Di man niya lingunin alam niya na iyon ang asawa ng matandang lalaki. May itinuturo iyon sa malayong parte ng ilog at lumingon siya.

Lumutang na ang bangkay ng matanda. Sa itsura nito na naka padapa sa tubig alam mong wala na itong buhay.  Namumuti ang talampakan nito ng iahon ng mga kalalakihang naglakas ng loob na sagipin ito. May tumawag sa barangay tanod na naka pwesto sa may bukana ng ilog.

Nagkagulo ang lahat. Ilang saglit lang, isa pang bangkay ang lumutang at nanlaki ang mata niya.

Si Dencio. 

Patay na ito. Humangos siyang tumulong sa mga sumaklolo. Pinilit niyang bigyan ito ng first aid pero wala na. Dilat ang mga mata nito na animo ay may nakitang nakakatakot.

Napabuntunghininga siya.

Paalis na ang sasakyan ng mga pulis na dumating sa ilog ay naruon pa rin si Arnie. Nakatitig sa tubig. Tila pilit na binabasa ang sikreto nito.

Atake ang ikinamatay ng matandang lalaki at pagkalunod naman ang kay Dencio.

Paalis na siya ng marinig ang pag uusap ng dalawang babae sa may likuran at binagalan niya ang lakad.

"Yung lalaki yun, " mahinang sabi ng babaeng naka asul na short at nakilala niya na isa iyon sa mga iniispatan ni Dencio kanina.

"Sssh.., " saway ng kasama nito at tumingin sa paligid. Kunway naglalakad siya at di pansin ang mga katabi pero tinalasan niya ang tenga.

"Siya nga yun, nakita ko kasi ng medyo lumalapit siya sayo. Akala ko naman makikipagkilala lang."

"Hinawakan niya ako sa paa at dinala sa may uli uli,"

"Pero nagulat ako nung bigla niya akong bitawan at pumunta sa mas malalim na lugar kaya nakaangat pa ako at natawag kita." Bulong pa nito.

Nagulat siya at napakagat ng bahagya sa labi.

Tinangka mo bang iligtas ako Dencio?

Isa lang ang nasisiguro niya. Ang diwata ng ilog ang nakita niya, marahil napansin ni Dencio kaya sinaklolohan siya.

Isang malalim na buntung hininga ang pinawalan niya. Nilanghap ang malinis na hangin .

Isa lang ang nasa isip niya. Uuwi na siya.

Huli na ito.

                                                        -o0o-

 Salamat sa pagbasa..

" Bakas "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon