huling lakad

75 3 0
                                    

Kina lingguhan,  nakipaglibing sila sa anak ni aling Terya. Marami ang nalungkot dahil mabait na bata si Olan. Matulungin at magalang sa mga kapitbahay.

Nagulat pa siya ng makita si Dencio sa libing. Nagkasalubong ang kanilang tingin, pero umiwas agad ito.  Hinabol niya ito ng palabas ng sementeryo.

"Alam kong nagagalit ka sa akin. " bungad niya," gusto ko lang malaman mo na huling lakad ko na ang trabaho sa linggo. Huwag ka mag alala, di ako magsasabi kahit kanino. Gusto ko lang malaman mo na kahit papano'y pasalamat din ako at nakatulong ng malaki ang trabahong ito."

"Sige na." Putol nito sa iba pang sasabihin niya. Tumango ito at tuloy ng umalis.

Nagulat pa siya ng magsalita ang nanay niya sa kanyang likuran.

"Kaibigan mo ba iyon?"

Lumingon siya sa ina. Tumango siya ng bahagya. Tinanaw pa niya ang dinaanan ng kaibigan pero wala na ito.

"Kuya, uwi na tayo" tawag sa kanya ni Dexter," mamamasyal pa kami nila tita Liling mamaya"

"susunod na ko, " sagot niya. Muli niyang tinapunan ng tingin ang nitsong tinatabunan ng mga lalaki.

Huli na ito , sambit niya sa sarili at humakbang na siya palabas ng sementeryo.

" Bakas "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon