walang bakas

105 3 0
                                    

Ilog Bakas. Madaming tao. Ang mga bata ay inaalalayan ng kani kaniyang nanay. Marami ring mga tinedyer ang nagpi-piknik malapit sa may tubig.

"Huwag kang pupunta sa malalim!" mayat maya ay naririnig niya ang ganuong paalala.

Sa may gitna ng ilog ay may lugar kung saan tila may uli uli. Mabilis ang agos ng tubig. Walang nagtatangkang pumunta sa lugar na ito. Karamihan, sa gilid lamang. Umiiwas mapalapit sa malakas na agos.

Sa kabilang panig nakita niya si Dencio me tinititigang dalawang babae sa di kalayuan. Nakita na niya yun pero ang target niya ay ang matandang lalaki na kanina pa umiinom. Panay ang subo ng baong chicharon at tagay sa dalang alak.

Di na siya naaawa dito, lalo na ng makita niyang pangit na pag-utos sa asawa nito.

Ilang minuto lang susuray suray itong lumakad papunta sa ilog. Tatawa tawa ng muntik ng madapa. Tigas ng kamumura sa mga batang nagtatakbuhan na muntik ng sumubsob sa kanya.

Konti pa. Bulong niya sa sarili. Konti na lang.

Hanggang bewang na ng matanda ang tubig. Unti unti siyang humakbang papunta sa ilog pagawi sa kaliwa ng matanda. Nang hanggang dibdib na niya ang tubig sumisid siya. Di nahihiwalay ang pansin sa matandang isang dipa lamang ang layo sa kanya. Pag ahon niya duon siya pumwesto sa malapit dito.

Kunwa'y humingi ng paumanhin ng magkalapit sila. Tumawa ng malakas ang matanda, " kung di ka sanay lumangoy totoy wag ka dito." Tila may panunuyang sabi pa nito.

Lumangoy ito palayo sa kanya at siya naman ay lumangoy palayo dito.

Pero ng makita niyang sumisid ito, sumisid din siya pabalik. Kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig ng ilang minuto at sa kilos ng matanda alam niya lasing na lasing ito. Wala ring pakialam ng lumangoy dirediretso sa malalim na parte.

Lagpas tao na ang lalim kung nasaan sila.  Di na siya nagatubili pa, hinila niya ang paa nito.

Eksperto na siya at duon pumwesto kung saan di siya agad tanaw ng paningin nito. Nagkakawag at pinabayaan niyang lumutang ito para humigop ng hangin.

Huli na ito. Usal niya sa sarili. Kumagat siya sa straw na dala para makahinga sa ilalim ng tubig.

Muli, hinila niya ang paa ng matanda, tinagalan ang hawak. Nalabusaw ang tubig kung nasaan sila sa kakakawag nito. Lalong napabuti naisip niya. Makawala man ito siguradong di siya makikilala.

Hindi nag iiwan ng kahit anong bakas ang bawat galaw ni Arnie. Sinisiguro niya, nagiging maingat siya. Kumapa siya ng bato sa kanyang tabi at ihinagis sa may tiyan nito. Nagulat ang lalaki. Malalaking bola ng hangin ang kumawala sa bibig at lalong nagpipiglas sa hawak niya.

Sa tantya niya sa pinakamalalim na parte na sila ng bitawan niya ang matanda. Lumangoy siya palayo.

Nagulat siya ng makitang may babaeng nakatingin sa kanya sa ilalim ng tubig. Malamlam ang mga mata. Mahaba ang itim na buhok at naka puti. Nananaginip ba ako? Kinusot niya ang mata. Hindi nawala ang babae nakatingin sa kanya na lungkot na lungkot.

Hindi niya namalayan na magkalapit na sila. Hindi niya maialis ang pagtitig sa mga mata nito. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at sa gulat ibinuka niya ang bibig. Lahat ng ipong hangin ay lumabas. Simpleng pag aalinlangan at bigla naramdaman niya kinakapos na siya ng hininga.

Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang likod na nakatulong sa kanyang paglutang.

Nagkagulo ang mga kalalakihan at tinulungan siyang makahon ng makitang tila di na siya gumagalaw. May nagbigay ng pang unang lunas. Hinihingal na napaupo si Arnie. Muntik na.

Sunod- sunod na tanong at di niya napigilang ibulalas, " may babae... mahaba ang buhok..."

Nagkatinginan ang mga nanduon at nagsitango.

"Nandito ang diwata ng ilog . Dapat siguro umuwi na tayo", yaya ng isang babae.

" Bakas "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon