CHAPTER 5: STILL CAN'T BELIEVE THAT I'M A MAID

984 86 13
                                    

Keira's POV

@Perez Mansion

*******AT PHONE*********

  "Huhuhuhuhu bestie, punta ka sa mansion bilis *sobs* wala sila mom and dad nasa US, may ikwekwento din ako bilisan mo😭" sabi ko habang di pa din makapaniwala. Ano ba kasi tong pinasok ko. "Ok bestie, wait for me bibilisan ko pagpunta diyan" sabi ni bestie then binaba ko na.

  Bumaba muna ako at nagluto ng almusal. Niluto ko ay bacon and egg, ang sarap lasap yung bango nagugutom tuloy ako. Binilisan ko na yung pagluto at inihanda na. Susubo na sana ako ng biglang may nag

*bell* *bell*
(di ko alam yung tunog😂)

   Pumunta agad ako sa pinto at bumugad sakin ang bruha kung bestie, nakapasok siya agad sa gate kasi kilala siya ni manung jay. Nagtataka kayo kung asan yung maid at guard namin ayun day off kasi sunday ngayon, si manung jay lang yung nag duty. "Bestieee!" lumapit agad si bestie at nakipag beso. "Panira ka bestie kakain na dapat ako" naka pout kung sabi. "Sige kumain ka muna PG" diin niyang sabi sa PG then tumawa. "Loko ka bestie, sadyang gutom na talaga ako" sabi ko then kumain na. Habang kumakain ako nag kwentohan kami ng may bigla siyang tinanong, "Bestie? Ano masasabi mo about kay Nico" napalunok ako sa sinabi niya at uminom ng maraming tubig, at nagpatay malisya ako na oarang di nakinig sa kanya "Uy bestie! Sagutin mo tanong ko" sabi ni bestie na naka smirk, may balak ata to ah! Loko!. "Ahmmm, masungit siya" sabi ko, then biglang nag iba yung mukha niya na hinihintay kung may sasabihin pa ko. "Yun lang?" nagtatakang tanong niya. Tumango-tango lang ako at tumayo then linigpit yung mga kinain ko. "Bestie, mauna ka na sa sala, susunod ako" pumunta naman siya sa sala at nagdala na din ng dalawang orange juice.

   Pumunta na ko sa sala at umupo. "Bestie kamusta na pala company niyo, may tumulong na ba?" biglang na iba yung mode ko. Sasabihin ko nalang sa kanya. "Ano kasi bestie, humingi ako ng tulong sa Furton's Company----" sabi ko na pinutol ni bestie, ang galing. "Whhaaaattt?!?!!?!?? Number 1 company pag aari ng company nila Fafa Nico koooooo💞💕, sige go continue bestie sorry😂 *peace sign*" kinikilig na sabi ni bruhang bestie, but na alert ata siya sa mukha ko nung pinutol niya sasabihin ko. "Gusto ni Mr. Furton na maging maid ako ni Nico kapalit ng pagtulong niya" mahinang sabi ko sa last part. "Waaaaaaahhhhhh!??!??! Makakasama mo na si Nico kahit saaann" kinikilig na sabi ni bruhang bestie. Nagkwentohan pa kami ng kwentuhan.

  "Bes, punta tayong mall plwease, kain tayo at mag shopping" sabi ni bestie nag puppy eyes pa😂. "Sige na nga!, basta wag ka nang mag puppy eyes ulit di bagay eh" natatawa kong sabi tapos bigla siyang nag pout. "Bestie naman eh!!😑😂" sabi niya then sumunod sa kwarto. Pumasok na kami sa kwarto then siya!?! Ayun dumeretso sa kama ko, etong babae talagang to! Pano ko kaya to naging bespren, dejowk lang mahal ko yan. Nagmadali na kong nagbihis then lumabas. "Tara na Bestie" bumangon naman siya then lumabas. "Manung jay, ikaw muna bahala ha *kumindat*" sige nak. Nak tawag niya sakin kasi close ko yan bata pa ko.

*******AT MALL**********

  "Bestiee!!! Dun tayo sa botique biliss" na eexcite na sabi ni bes. Parang bata to palagi kaya tong nag mamall😑 di ko alam anong nangyare jan baka nakakain ng candy. Baliw yan pag nakakain ng Candy. Habang papunta dun na hilahila ako ni bestie biglang may tumawag, yumuko ako para kunin sa bag kaso biglang nahulog, tapos pagkaminamalas ko naman dahil maraming tao di ko agad nakuha. Maapakan na dapat yun ng lalaking busy sa phone niya, waaaaah phone ko, binilisan ko pag dive, but waaaaah😭 phone ko. Pag tingin ko wala sa kamay ko yung phone napalinga linga ako kung may pumulot bang iba. Tumayo na ko then "Looking for this" tinignan ko kung sinong nagsalita si Nico pala. "Thanks talaga Nico" dahil sa saya ko napayakap ako bigla sakanya, importante kasi tong phone ko. Binigay to ng Lala ko siya yung palagi kung kausap at kalaro, but pumanaw na siya kaya importante to para sakin.

  Nang maalala ko nakayakap pa din pala ako kay Nico. Watdaaaa! Tinignan ko mukha niya halatang gulat na gulat. Kumalas na ko at nag peace sign. "Sorryyy importante kasi to para sakin" sabi ko then nag peace sign ulit. Tinignan niya lang ako then biglang nagsalita "Tss" ay ang galing napa ngiwi nalang ako. "Uy Dude! Nandito ka lang pala" sabi ni Chrize. "Uy Hi Keira, how a small world nagkita pa talaga tayo dito" sabi ni Zander na halatang sumaya. "Sama ka nalang samin kakain kami" pag aaya ni Chrize. Si bestie naman ayun pumayag mamaya nalang daw sa botique. Gusto niyan sumama kasi nandun crush niya, adik to!😂. "Sige! Sige! Sige!" masiglang sabi ni bestie at kinikilig. Tinignan ko si Nico at nagulat ako na nakatingin pala siya sakin, umiwas agad siya.

*******AT RESTAURANT*******

   "Anong gusto mo Keira?" sabi ni Zander. "Wag na, wala akong pera" nahihiyang sabi ko. Kung di pa lang bumagsak company namin *sigh*. "Ano ka ba libre ko to" sabi ni zander then kumindat. "Ako libre mo rin!?" sabi ni bestie na para ng hugis puso mata niya. "Oo naman *wink*" pag kindat sa kanya ni Zander parang nahimatay, baliw talaga tong bruhang to😑. "Ikaw nalang bahala, zander" nahihiyang sabi ko. "Sige, waiter pls" sabi ni zander at naghanap ng waiter. Kinuha na ang mga order nila. Habang niluluto pa yung order namin nagkwekwentuhan kami, ng biglang nagsalita si Zander nung kinuha ko sandali salamin ko. "Ang ganda mo pala pag di naka salamin" di ako sumagot at nararamdaman kung uminit ang pisnge ko. "Hahaha, *smile* okey lang ba bilhan kita ng contact lense?" sabi ni Zander. Tinignan ko naman si bestie na kausap si Chrize, at si Nico na NAKATINGIN SAKIN!!!!?!!?!. Bumalik ang tingin ko ka zander kasi mas lalong uminit pisnge ko kamatis na ata!!. "Ahmmm Sige" patango tango kung sabi. Nagkwentohan pa kami hanggang nandito na yung order. "Eto na yung Order" nag bow yung waiter then umalis. Tahimik lang kami habang kumakain.

  Pagkatapos naming kumain dederetso na kami ng uwi ni bestie next time nalang kami bibili. "Sumabay ka nalang sakin Keira" nakita ko si Nico sa likod na nakatingin sakin at seryoso."Uhmmm wag na, may sasakyan naman ako eh, kasama ko din si bestie" sabi ko then nag smile. "Okey lang, drive safely okey?" tumango lang ako then pumasok na ko sa sasakyan.

*****AT PEREZ MANSION*****

  "Sure ka ba bestie na ayaw mo magpahatid?" sabi ko. "Yup!!" then naglakad na siya pauwi. Pinark ko na yung sasakyan ko at dumeretso na sa kwarto. Ang weird ni Nico kanina noh? Ano kayang ini isip niya. Wait? Bakit ko ba siya inaalala matutulog na nga lang ako

***************************

   Ayieeeh😍 salamat nga pala sa mga nagbabasa at sumosubaybay sa story ko😊 share niyo din po sa iba plsss😄 dream ko maging kilala story ko.

   Wag kalimotan pindotin yung star🌃 for VOTE😉 hihihi and COMMENT din waaah labyah😘

(If aabot ng 20 read diyan na po ako mag UUD for Chapter 6😊 invite your friends po

I'M A MILLIONAIRE'S MAID (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon