C7

1.9K 123 40
                                    

#ILAMMemoriesWithHer

      "Ghost!"

      Dahil sa sigaw ng isang bata agad akong namulat at agad bumangon. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo na alimpungatan ako. Sino ba iyong sumigaw ng 'ghost?' Kinusot ko ang mga mata ko dahil malabo pa ang paningin ko. Hihikab sana ako nang may biglang bumato ng throw pillow sa ulo ko.

      "Who the hell ---" napahinto ako nang makita ko ang isang bata na nagtago sa likod ng coach. Anak ba siya ni Rhian? Bigla kong natanong sa sarili ko. "Kung sino ka man na nagtatago sa likod ng coach lumabas ka na hindi ako galit." sabi ko. Pero hindi siya lumabas, bagkus nagtanong siya nang hindi nagpapakita sa akin.

      "Why are you sleeping in my Ate Rhian's room? Are you a ghost?" the little girl asked. Ah kapatid pala ni Rhian, akala ko anak niya. Dahil don sa tanong niya bigla akong napangisi.

      "I'm not a ghost. Just show yourself and look at me." sagot ko don sa bata. Tapos sinilip niya ako. Nakita ko yung mukha niya and I give her lopsided smile. Tapos bigla siyang sumigaw.

      "Ahhhh! You're a ghost! Your died already! I saw your picture to your grave! Ahhhh ghost! Ghost!" dahil sa matining na boses ng bata bumaba ako ng kama at pinuntahan siya sa pinagtataguan niya.

      "Hey don't scream." sabi ko tapos bigla nanaman siyang tumili at nagtatakbo palabas ng kwarto. Kahit sobrang basag ako nagawa ng batang yon na ngitiin ako.

       Matapos ang naging tagpo sa hospital kagabi, isinama ako ng tunay kong Ina dito sa mansion nila. At pinatulog niya ako dito mismo sa dating kwarto ko raw, na kwarto na ni Rhian. Masama ang loob ko kay Sandy, or maybe hindi lang masama. Because my heart started to hate her dahil sa pagbilog niya sa ulo ko at pagbibigay niya sa akin ng bagong pagkatao. Masakit. Dahil linuko ako ng sarili kong asawa.

      Inikot ko ang paningin ko sa loob ng buong kwarto. Nakuha ng isang larawan ang atensyon ko. It was me and Rhian. At ang larawan na yon ay kuha sa Luneta. Hinawakan ko ang picture frame at muling nagflash sa isip ko ang mga kaganapan nung araw na yon. It has cleared on my mind.

      Her smile ...

      Her eyes that full of happiness ...

      And the words she said, "because I love you .."

      My heart crushed again. Kasi parang unti unti nang bumabalik sa alaala ko ang kahapon namin ni Rhian. Yung kahapon ipinagdamot sa akin ni Sandy. Yinakap ko ang picture frame. Ipinikit ko ang mga mata ko, at pinigil ang pagbabadya ng luha ko.

      "Anak gising ka na pala." bungad ni Mama Althea. Agad kong binalik ang picture frame sa lagayan nito bago humarap sa kanya.

      "Good morning po. Ah, yung bata po kasi kanina sumigaw ng 'ghost' kaya po nagising ako."

      "Yeah, Cyndjie told me. Ang alam kasi nila matagal ka nang patay. Kaya gulat na gulat siya nung makita ka niya dito sa kwarto ng Ate Rhian niya." bahagyang ngumiti si Mama saka lumapit sa akin.

      "Cyndjie po pangalan nong bata? Kapatid ko po ba siya?"

      "Oo. Pero hindi siya galing sa akin. Kinupkop lang namin sila ng Ate Elha niya at tinuring na parang anak namin ni Mommy Rj mo. Payakap nga ..." sabi niya at mahigpit niya akong yinakap. Yakap nang may mahabang pangungulila.

      "Ma, patawarin niyo ko. Patawarin niyo ako sa nagawa ko kay Rhian." sabi ko, na punong puno ng pagsisisi. Agad kumalas si Mama sa pagkakayakap sa akin and caressed my cheek.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon