C8

1.9K 114 16
                                    

#ILAMRun

      Gusto kong tanggalin ang suerong nakakabit sa kamay ko. Dahil kating kati ako na hanapin siya at itali na dito sa tabi ko para hindi na siya maagaw muli ng iba. Mama Althea already told me that Cyndjie, remembered everything. Nang malaman ko yon, nagkaroon ng kamay ang puso ko at pumapalakpak ito sa tuwa. But then, bigla naman siyang nawala.

      "'My please let me help Mama Althea to find her." I begged for her permission.

       'My shook her head. "No Shane." mariin niya pagtutol. "Sariwa pa ang sugat mo. Gusto mo na ba talagang mamatay? Minsan naman anak isipin mo ang sarili mo. Hayaan mo na ang Mama Althea mo sa paghahanap kay Cyndjie. Magpahinga ka muna."

      "But mom --"

      "Shane Mommy mo ako at hindi ako ibang tao. Kaya makinig ka naman sa akin anak." pakiusap ni 'My. "Shane kahit naaalala na ni Cyndjie ang tungkol sayo, hindi pa rin kayo pwede. Minahal niya si Sandy, may anak na sila. You think madaling makakalimutan ni Cyndjie ang nararamdaman niya para kay Sandy?" dahil sa sinabi ni 'My natigil ako sa pagpupumilit ko. Tama siya. Baka kaya ganun yung mga binitawang salita ni Cyndjie kasi mahal niya pa rin si Sandy.

      Kaya niya siguro sinabing 'mahalin ko ang sarili ko para pagdating ng araw na magmamahal ako, buo na ulit ako.' Damn it! Hindi niya ba naalala na siya lang ang bumuo sa akin? Nagpoprotesta ang lamang loob ko because of what she said. Ang gulo. Sino ba dapat kong pakinggan? Si 'My o ang puso ko na nagsasabing kasama ng alaala niya bumalik din ang pagmamahal niya para sa akin?

      All theses questions begging for an answer ...

      Hanggang sa tumigil nalang talaga ako sa pagpupumilit kay 'My. Ayoko na ring stressin pa siya kaya nanahimik nalang ako. But deep inside, nandon pa rin iyong kagustuhan ko na hanapin siya. No matter what has happened. No matter what she'd done. No matter what she will do. I will always love her. At hindi ko na kayang alisin sa puso ko na hindi siya mahalin.

      Ilang oras na ang nakakalipas, pero hindi pa rin bumabalik si Mama Althea. Hindi pa rin ako mapakali, siya pa rin ang laman ng isip ko.

      "Anak papunta na raw dito si Bianca, kailangan ko munang umuwi. Tumawag ang Yaya ni Cyndjie, nagtataka na ang bata sa pagkawala mo. Ayoko namang sabihin ang tungkol sa kalagayan mo, kilala mo naman ang mga kapatid mo magaalala yon." napangiti lang ako nung magpaalam si Mommy, magkakaroon ako ng pagkakataong tumakas. I know magagalit siya, pero gustong gusto ko nang makita at mayakap muli ang mahal ko.

      Nangulila ako ng pitong taon, kaya hindi ko na kayang mawalay pa sa kanya ngayon. "Okay 'My ingat nalang po kayo. Iyakap at ihalik niyo nalang po ako kila Elha at Cyndjie." i said and smile.

      "Okay anak." sabay halik sa noo ko. "Bianca will be here in a minute. Magpahinga ka na muna." pagkatapos niyang sabihin yon lumabas na siya ng kwarto ko. Kasabay naman eg pagpasok ng Nurse ko. Nakaisip ako ng idea kung sino ang tutulong sa akin para makalabas dito.

      "Nurse pwede mo ba akong tulungan?"

      "Ano po yon Ma'am?"

      "Tulungan mo akong lumabas dito. Babayaran kita higit pa sa sasahurin mo. Tulungan mo lang ako, please?" pakiusap ko, bakas sa mukha ng nurse ang pagkagulat. "Nurse nakikiusap ako, tulungan mo ako." i begged

      "Pero Ma'am hindi pa po pwede, baka po malamog ang sugat niyo at magdugo ito." dahil sa pagtanggi niya wala na akong ibang dapat pang asahan kundi ang sarili ko.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon