C16

1.8K 111 9
                                    

#ILAMSayYes

       Dalawang linggo na ang nakakalipas, nung mangyari ang pagdukot kay Cyndjie at pagkamatay ni Sandy. Parang kahapon pa rin iyong mga nangyari, namatay si Sandy sa harapan ko dahil sa pagliligtas sa akin. Sariwa pa rin. Malungkot dahil nawalan ng anak at ina ang mga taong malalapit kay Sandy.

      Nung gabing ilinigtas namin si Cyndjie, wala siyang kagalusgalos at hindi siya nagawang saktan ng mga lalaking dumukot sa kanya. Napatay din sa engkwentro ang step Dad ni Sandy don sa Japan. Kaya naman sobra ang pagluluksa ni Tita Yeng sa nangyari. Hindi naman pinabayaan ni Mama at Mommy ang kaibigan nila, hindi sila nawala sa tabi ni Tita Yeng. At iyong mga bata palagi nilang isinasama si Tita Yeng sa bonding nila kaya napapalapit na rin ang loob nito kila Elha at Cyndjie. Kahit papaano, nakukuha na rin nitong ngumiti at tumawa.

      Madalas kasama ni Cyndjie si Sandro, malungkot ang bata dahil sa pagkawala ng Mommy niya. Ni hindi niya pa lubusang naiintindihan na wala na ang Mommy niya, na hindi na ito babalik kahit kailan. Ang tanging alam niya lang ay umalis ang Mommy niya at kasama niya na ngayon si God. Masakit para sa isang anak ang iwanan ng Ina niya sa murang edad. I know how it feels, kasi di ko naabutang buhay ang Mommy Jasmine ko. Pero balang araw, alam ko na magiging matatag din si Sandro kagaya ko. Lalaki siya na busog sa pagmamahal, at handa kong punan ang pagiging Mommy ni Sandy sa kanya. Iyon nalang ang magiging pambawi ko sa pagliligtas ni Sandy sa buhay ko.

      "Mama... Mama ... Mama..." agad akong bumangon dahil sa narinig ko. Tiningnan ko si Cyndjie at mahimbing pa itong natutulog. Bumaba ako ng kama saka lumapit kay Sandro na nakahiga lang sa may ibaba ng kama namin. Hindi kasi sanay si Sandro na dalawa ang katabi sa bed. Kaya pagtulog na ito, saka lumilipat si Cyndjie sa tabi ko.

       Sandali kong sinulyapan ang orasan, alas dos pa lang pala . "Sandro why are you crying? Are you hungry?" i asked, sobrang aga pa kasi. Tumahan siya at lumapit sa akin at yumakap ito na sobrang ikinagulat ko. Ang lambing na bata.

      "Mama ..." he said. Hinaplos ko ang likod niya, at tumahan ito sa pag-iyak. Bigla akong nakonsensya. Hinahanap niya ang pagkalinga ni Sandy sa kanya.

     Hindi naman ganito si Sandro sa akin. Kay Cyndjie nga lang siya nagpapakarga at lumalapit. Hindi siya sumasama kahit sino sa amin dito sa bahay. Kaya ganun nalang ang pagkagulat ko.

      "Sandro, do you miss your Mama sandy?" tanong ko tapos tumango lang siya. "She miss you too, baby. Don't be sad okay? Nandito naman ako, for now on ako na muna ang Mama mo." i said and plant a kiss on his forehead. Saka ako humiga sa tabi niya habang nakayakap siya sa akin. Siguro dapat na akong matuto kung paano mag-alaga ng bata. Darating din kasi ako sa ganitong stage kapag bumuo na kami ng sarili naming pamilya ni Cyndjie. Ngayon pa't naghihintay nalang kaming matapos ang two months. Malalaman na rin namin kung nabuo iyong bata sa sinapupunan ko.

       Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi ni Sandro. Naramdaman ko nalang na may sumusuklay ng buhok ko at humalik sa may ulo ko.

      "I love you." she whispered. Sobrang nakakakilig lang kung ganito iyong umaga mo. Ang sarap magtulog tulugan. Pero nandon pa rin iyong katotohanan that I'm not a good artist. Napangiti kasi ako habang nakapikit. "Gising ka?" she asked. Tapos sinundot niya tagiliran ko. "I thought your still sleep. Tulog tulugan lang pala." she said, tapos bahagyang kinagat iyong earlobe ko. Nakakakiliti!

      "Lab stop it. Tulog pa ang anak mo." I told her sa mahinang boses. Dahan dahan akong humarap sa kanya and smile at her. Tapos binigyan niya ako ng quick kiss sa lips.

      "Lab alam mo ba natutuwa ako na makita kayo ni Sandro na magkatabi. And I was surprised. Hindi naman kasi sumasama or lumalapit si Sandro sa hindi niya naman gaanong kakilala." sobrang obvious niya lang talaga kapag masaya siya, dahil nagniningning ang mga mata niya. And I really love seeing her happy, it means a lot to me. Iyong makita mo iyong taong mahal mo na masaya sa piling mo. Sobrang laking bagay non!

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon