C14

1.7K 105 15
                                    

#ILAMDukot

       "Sino po kaya sa tingin niyo ang  posibleng gumawa nito?" tanong ng pulis na nag-iimbestiga sa nangyari dito sa mansyon.

       "Wala po akong alam na pwedeng gumawa nito —"

       "Sir isa lang naman ang posibleng gumawa nito sa pamilya namin." pagsingit ni Rhian sa pakikipag usap ko sa mga pulis. Tiningnan niya ako na para bang sigurado na siya kung sino ang may pakana nito.

      "Sino hu Ms. Howell?" tanong ng pulis.

      "Si Sandara Park, siya lang naman hu ang taong kilala ko na pwedeng gumawa nito sa pamilya ko. So please Sir, hulihin niyo ang babaeng yon para hindi niya na ulit gawin 'to sa pamilya ko." Rhian said, at isinulat na nang mga pulis sa record book nila ang pangalan ni Sandy as a primary suspect.

      Si Rhian na ang nakipag usap sa mga pulis tungkol sa kung ano ang motibo ni Sandy. Hindi ako sang ayon sa mga nangyayari lalo na't wala namang proweba na si Sandy nga ang may pakana nito.

      "Rhian we're not sure about it." sabi ko, nung iwan kami ng mga pulis.

      "Cyndjie pwede be? Wag mong bulagin ang sarili mo sa kunting kabutihan na ginawa ng Sandy na yan. See? Tama nga ang kutob ko. Palabas niya lang yon. Nagbabait baitan siya para hindi siya mapagbintangan sa mga nangyayari ngayon!" pagdidiin niya. Ayokong pag isipan si Sandy, pero mapilit si Rhian. Si Sandy talaga ang idinidiin niya sa mga nangyayari. Pero hindi e, hindi naman si Mommy Rj o si Rhian ang punterya nang taong gumawa nito kundi ako at si Mama.

      "Rhian, please don't jump into a conclusion. Wala naman tayong sapat na ibidensya na magdidiin kay Sandy sa mga nangyari." hahawakan ko sana ang kamay niya pero linayo niya ito.

       "I don't know kung anong pinakain sayo ng Sandy na yan para ipagtanggol mo siya sa harapan ko. Cyndjie pamilya ko at pamilya mo rin ang nalalagay sa kapahamakan! Worth it ba?" she said and left me. I really need to find out kung sino ang may pakana nito. I need to save my family for the person who threatened me.

       Kausap ni Mama ang mga pulis, habang ginagamot naman ng Doctor si Mommy Rj sa kwarto nito sa mga natamo nitong degree sa sumabog na granada. Mabuti na lang at hindi matindi ang natamong sugat ni Mommy. Iyong dalawang bata naman pinasundo ko na sa security. Para ligtas silang makauwi ng mansyon.

      "Ma?"

      "Cyndjie, inaayos na ng mga pulis ang warrant of arrest kay Sandy." sabi ni Mama nung umalis na iyong mga pulis.

      "But Mom I'm pretty sure na walang kinalaman si Sandy dito." i'm not protecting Sandy. Oo, may dating banta siya sa amin dati pero sa nararamdaman ko hindi magagawa 'to ni Sandy.

      "Pero tama si Rhian anak, si Sandy lang naman ang pwedeng gumawa nito sa atin. Bakit ba ipinagtatanggol mo na siya ngayon? Hindi ba dapat makipag tulungan ka na makulong siya para makuha mo na si Sandro? Anak ayokong lumaki ang apo ko sa taong sobra sa kasamaan." Mama said. Masyado nang nadidiin si Sandy sa mga nangyari hindi naman siguro tama 'to. I need to find out kung totoo nga na siya ang may gawa nito.

       "Ma pupuntahan ko muna si Sandy, aalamin ko mula mismo sa kanya kung siya ba talaga ang may pakana nito." sabi ko, iiwan ko na sana si Mama nung makasalubong ko si Rhian.

       "Cyndjie nababaliw ka na ba?" pahabol ni Mama.

       "Ma? Ano pong nangyayari? Cyndjie?" tiningnan ako ni Rhian at naghihintay ito ng paliwanag ko.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon