#ILAMBagongYugto
Malamig na hangin ...
Lakas ng ulan ...
Tila nakikisabay lang ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang lungkot. Hindi ko alam kong ano ang magiging bukas ng buhay ko. Nasanay ako na siya lagi ang katabi sa pagmulat ko sa umaga. Nasanay ako na natutulog sa kagabi kasama siya. Pero ngayong wala na, ang umaga ay magiging malungkot kagaya ng panahon sa mga oras na ito. Ganun din ang gabi ay magiging malamig kagaya ng panahon ngayon.
Pinanood ko kung paano ang kahon kung saan siya naroon, ay unti unting ibinababa sa lupa. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa matabunan na siya ng lupa.
It is sad when the person who gave you the best memories become a memory. This was the saddest day of my life.
Pag uwi namin sa bahay, agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Panay ang tawag ni Mommy sa akin pero hindi ako nagpapigil. Pagpasok ko sa kwarto, ilinock ko iyong pinto to make sure na walang makakapasok. Itinulak ko pa nga iyong mesa sa tapat ng pinto para siguradong walang makakapasok.
Kinuha ko sa aparador iyong susi at sumuot sa ilalim ng kama para kunin ang itinago naming box. Our secret box. Pagkakuha ko nito agad akong naupo sa sahig at binuksan ito gamit ang susi na kami lang ang nakakaalam kung saan ito nakatago. Nung buksan ko ito, isang larawan ang unang bumungad sa akin.
Ito iyong larawan nung pumunta kami sa secret place. I remember that day. Ginising niya ako ng alas dos ng umaga para puntahan ang secret place.
Flashback
"Serenity ... Serenity wake up."
"Lala?"
"Bumangon ka, may pupuntahan tayo." she said, smiling. Kahit antok na antok pa bumangon ako at sumama sa kanya.
Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan at maingat ni Lalang binuksan ang lock ng main door para walang makarinig sa paglabas namin.
Sumakay kami sa kotse na nasa labas na ng mansyon. Lala told me na magagalit si Mommy kapag nalaman niya na umalis kami ng alanganing oras. Kaya wag daw akong maingay para hindi sila magising.
Habang nasa biahe nakatulog ulit ako. Pagdating namin sa pupuntahan namin saka lang ako ginising ni Lala.
"I feel sleepy Lala." i told her, antok na antok pa kasi ako I'm just 9 years old at sobrang takaw tulog pa.
"Serenity you know that your Mommy won't allow us di ba? Kaya tayo tumakas because I want you to see our secret place." biglang nawala ang antok ko dahil sa sinabi ni Lala.
"Really?" my eyes widen.
Lala nodded and smile. "Yes, and we're here."
Nanlaki ang mata ko nung bumaba kami sa kotse. Nakita ko iyong malapalasyong bahay sa harapan ko. It's really really like a castle! My mouth didn't even say a word. Wow lang talaga!
"For now on, this is your castle. It's yours my princess. And when you finally found the right person for you, you and your love of your life will leave here happily ever after." sabi ni Lala. I can't even imagine that at the age of 9 I have my own castle. "This is my gift for you apo. Don't ever tell your Mom and Momma about this okay?" tumango nalang din ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]
General FictionSa paglipas ng pitong taon, routine nalang sa akin ang gumising, maligo, kumain, pumasok sa trabaho sa pang araw araw kung buhay. Simula nang mamatay siya kasama niya na rin akong namatay. Pero hindi ko iniasahan na isang bata ang magpapakilala sa a...