#ILAMPiecesOfMemory
"Ano ba kasing kailangan niyo sa mall? Bakit pumunta pa kayo ni Sandro doon? Bakit hindi mo nalang inutos sa kung sinong katulong ni Dad ang kailangan mo bilhin? Damn it, Glaiza!"
Inis na inis si Sandy ng ikwento ni Glaiza ang naramdaman niyang panghihilo at pananakit ng ulo sa mall kanina. Hindi magawang maglihim ni Glaiza pagdating kay Sandy. Magkausap sila ngayon thru video call.
"Mako please, wag ka nang magalit. Okay naman na ako, siguro dahil sa init kaya ako nakaramdam ng pagkahilo. Ayokong nag-aaway tayo. Kaya pwede ba wag ka mainis dyan."
Pagmamakaawa ni Glaiza sa kanyang asawa. Bakas pa rin ang inis sa mukha ni Sandy, at kung pwede nga lang lumipad papunta ng Pilipinas ginawa niya na para maantabayanan ang asawa.
"I love you."
Glaiza said with a soft voice. Dahil sa paglalambing ng asawa naging maliwanag na rin ang mukha ni Sandy.
"Okay, hindi na ako magagalit. But you have 7 days to go Mako. Hindi ka na pwedeng magtagal pa dyan sa Pilipinas. Mamatay ako dito sa Korea kakaisip sa inyo ni Sandro, please Glaiza."
Napaisip naman si Glaiza dahil sa sinabi ng asawa. Pinagsisisihan niya tuloy na isinabi niya pa kay Sandy ang nangyari. Dahil don, napaikli ang pagstay nila sa Pinas. Kailangan niya na tuloy madaliin ang pagbili sa property na pagmamay-ari ng mga Howell sa Subic.
"I okay Mako, and I'm sorry."
Napilitan nalang din siyang sumang ayon kahit labag sa kalooban niya ang pagbibigay ng kanyang asawa ng ilang araw na pamamalagi sa Pinas.
"Don't forget to take your med Mako. Sige na magpahinga ka na. I halik mo nalang ako sa anak natin. I really miss you both. Lalo ka na, miss na miss na kita. I love you so much Mako."
"I love you too, Mako."
Dahil sa huling salita na binigkas ni Sandy bago nagpaalam, may pumasok sa isip ni Glaiza na isang boses ng ibang babae. Napahawak siya sa ulo niya at napapikit. At nakita niya ang isang babae na mahaba ang buhok. Hindi malinaw ang mukha ng babae sa isip niya pero pinipilit niya itong makilala.
"Hindi ko alam kong bakit madalas kong makita ang babaeng yon sa isip ko. Matagal na rin siyang gumugulo sa utak ko. Simula nang magising ako mula sa pagkaka-coma, wala man lang malinaw na paliwanag ang mga magulang ko tungkol sa totoong nangyari. They said, ilinigtas ko raw si Sandy laban sa mga kumidnap sa kanya at nabaril ako at tinamaan sa ulo. Hindi nila naipatanggal agad ang bala sa ulo ko dahil walang magaling na Doctor dito sa Pilipinas, kaya iniuwi nila ako sa Korea. My Dad introduced Sandy as my fiancee when I wake up from coma.
Nang makalabas ako ng hospital, Sandy do all the duty. Siya nag aasikaso sa akin, araw araw niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. She never tired taking care of me. Kaya naman paglipas ng dalawang taon, pinakasalan ko na siya. Kahit hindi malinaw sa akin ang nakaraan ko, pinanindigan ko ang babaeng pinangakuan ko ng kasal. Kahit ayaw ng Mommy ni Sandy na ikasal kami, tinuloy pa rin namin.
Bago ko pa kami ikasal ni Sandy, madalas ko na silang naririnig na nagtatalo dahil sa akin. She always threatened her Mom to kill herself kapag pinigilan nito ang kasal namin. Ginawa nga yon ni Sandy isang beses. Kaya naman wala nang nagawa si Mommy Yeng kundi ang hayaan kaming makasal ni Sandy. But after the wedding, nagpaalam na si Sandy kay Mommy Yeng na bubukod na kami ng bahay, na siya namang ikinagulat ko. Pumayag naman si Mommy Yeng kahit labag ito sa loob niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]
Fiksi UmumSa paglipas ng pitong taon, routine nalang sa akin ang gumising, maligo, kumain, pumasok sa trabaho sa pang araw araw kung buhay. Simula nang mamatay siya kasama niya na rin akong namatay. Pero hindi ko iniasahan na isang bata ang magpapakilala sa a...